Vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, trending matapos magtalo

Vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, trending matapos magtalo

- Naging usap-usapan sa social media ang isang Facebook live video nina Tim Sawyer at China Roces

- Marami ang nagulat na tila naging totoo na ang kanilang pag-aaway kahit pa kalimitan ay ganoon ang tema ng kanilang mga content

- Matapos magviral ang nasabing video, burado na ito sa Facebook page ni Tim ngunit marami ang nakapag save ng kopya nito

- Sina Tim at China ay nakilala bilang mga social media artists at vlogger na gumagawa ng mga videos na tungkol sa relasyon ang mga tema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hot topic sa social media ang Facebook live video ng pagtatalo ng vloggers na sina Tim Sawyer at China Roces nitong Sabado ng gabi.

Gamit ang Facebook account ni Tim, naglive video si China habang nagtatalo sila. Kabilang sa kanilang pinagtatalunan ay ang usapin tungkol sa pera at sa umano'y pambababae ni Tim.

Kahit pa kadalasang tema ng kanilang video ay ang kanilang pagtatalo, tila naging makatotohanan ang pag-aaway nila.

Matapos pagpiyestahan ang nasabing video sa social media, burado na ito sa Facebook account ni Tim ngunit marami sa mga netizens ang nakapag-save ng kopya nito kaya naglipana sa social media ang kopya ng nasabing video.

Vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, trending matapos magtalo

Photo from Tim Sawyer's Facebook account
Source: Facebook

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

Marami din sa mga tagahanga nila ang nalungkot sa nangyari sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

Matatandaang humingi ng paumanhin si Tim matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak.

Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si China Roces ay nakilala bilang isang cover girl ng FHM Magazine. Sila ay mayroong isang anak na lalake.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel