PWD na traffic enforcer, hinangaan sa determinasyong makapag-trabaho

PWD na traffic enforcer, hinangaan sa determinasyong makapag-trabaho

- Nag-viral ang mga larawan ng isang PWD na traffic enforcer sa Maynila

- Dati lamang umanong volunteer traffic aide ang lalaki ngunit dahil sa kinakitaan siya ng determinsayon sa kanyang simpleng trabahong ito, ginawa na siyang regular na empleyado

- Marami siyang napabilib lalo na at halos hindi mawalan ng sasakyan ang lansangan na kanyang binabantayan

- Magsilbing inspirasyon umano sa iba ang enforcer na ito na kahit gaano kahirap ang kanyang kalagayan, hindi na niya ito iniinda at pinagbubuti pa lalo niya ang kanyang hanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

PWD na traffic enforcer, hinangaan sa determinasyong makapag-trabaho

Ricardo Bulosan (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na ang-viral ang mga larawan ng traffic enforcer na si Ricardo Bulosan sa social media.

Nalaman ng KAMI na bagaman at putol ang kaliwang binti ni Ricardo, matiyaga pa rin itong tumutulong sa pagsasaayos ng trapiko sa intersection ng Peñafrancia at Quirino Ave. sa Manila.

Ayon sa GMA News, regular na empleyado na ng Manila Traffic and Parking Bureau si Ricardo na hindi iniinda ang kanyang kapansanan kahit halos maghapon siya sa gitna ng kalsada.

Dati lamang na nag-volunteer ng pagsasaayos ng trapiko si Bulosan. Ngunit dahil sa pinakita niyang determinasyon sa pagtatrabaho, ginawa na siyang traffic enforcer ng lungsod ayon sa ABS-CBN News.

Marami ang humanga kay Bulosan dahil hindi biro ang tumayo sa gitna ng kalsada gayung may hawak pa siyang saklay habang nagmamando ng daloy ng trapiko sa lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Umani siya ng papuri dahil nagagawa niyang makipagsapalaran sa kalsada kahit pa may kulang sa kanyang pangangatawan.

Ayon pa nga sa ilang netizens, mabuti pa raw si Ricardo kumpara sa ibang kumpleto sa pangangatawan ngunit panay ang reklamo sa buhay o ang masaklap, hindi maghanap ng maaring pagkakitaan at nagmukmok na lamang.

Lalo na ngayong panahon ng pandemya na maraming trabaho ang apektado, wala na raw dapat na pinipili pang trabaho. Ang mahalaga ay mayroon pang maiuuwing panggastos sa pamilya sa marangal na paraan.

Narito ang mga larawan ni Ricardo mula sa DZBB:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kamakailan ay may isang PWD rin na nag-viral dahil umano sa pananakit sa kanya ng isang tricycle driver sa kanilang lugar.

Naidulog sa programa ni Raffy Tulfo ang kasong ito ngunit napag-alamang loko pala ang naturang PWD at tila napikon lamang ang tricycle driver na nanakit sa kanya.

Sa pangangalap pa ng impormasyon ng programa ni Tulfo, lumalabas na maraming kalokohan ang PWD na nagsinungaling dahil wala namang kanser ang ina, pala-away at ang masaklap, nagnanakaw daw ito at maraming bisyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel