Primo Arellano, kinaaliwan dahil sa reaksiyon niya sa paggupit ng ama sa kanyang buhok

Primo Arellano, kinaaliwan dahil sa reaksiyon niya sa paggupit ng ama sa kanyang buhok

- Kinaaliwan ng mga netizens ang nakakatawang reaksiyon ni Primo Arellano sa kanyang haircut

- Ibinuking ni Iya Villania na ang kanyang asawang si Drew Arellano ang gumupit sa buhok ng kanilang panganay

- Napagdesisyunang gupitan ni Drew ang buhok ng anak dahil naisip nilang ang kanyang buhok na napupunta sa mata ni Primo ang dahilan ng irritation ng mata nito

- Tawang-tawa naman si Iya sa naging tugon ng anak nang tanungin niya ito kung nagustuhan niya ang kanyang gupit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa reaksiyon ng panganay na anak nina Drew Arellano at Iya Villania nang tanungin siya ng ina tungkol sa kanyang bagong haircut.

Matatandaang nagpost ng poll question si Iya Villania upang itanong sa mga netizens kung sino ang naggupit sa anak niyang si Primo.

Sa isang video na ibinahagi ni Iya sa kanyang Instagram story, makikitang tinatanong ni Iya ang kanyang panganay kung sino ang gumupit sa kanyang buhok.

Primo Arellano, kinaaliwan dahil sa reaksiyon niya sa paggupit ng ama sa kanyang buhok

Photo from Drew Arellano's Instagram account
Source: Instagram

Ani Primo, si papa niya ang gumupit sa kanya. Kasunod nito ay tinanong ni Iya ang anak kuung nagustuhan nito ang kanyang gupit.

“How do you feel about it? Do you like it?”

“No, it’s bad,” sagot ni Primo. Natawa si Iya sa sagot ng anak.

Primo Arellano, kinaaliwan dahil sa reaksiyon niya sa paggupit ng ama sa kanyang buhok

Primo Arellano (Photos from Iya Villania's IG story)
Source: Instagram

Ani Iya, naisip nilang ang buhok ni Primo ang naging dahilan ng kanyang eye irritation kaya naisipan nilang mag-asawa na gupitan na lamang ang buhok nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Primo’s eye was getting irritated last night and we were thinking it was because of his hair. So that’s why @drearellano cut his hair,” aniya.

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang nanganak ang aktres sa ikatlong anak nila ni Drew nito lamang July 18. Ibinahagi ng mag-asawa kaagad ang litrato ng kanilang bunso matapos itong isilang ni Iya.

Marami sa mga celebrities ang bumati sa mag-asawa sa kanilang baby girl.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel