Grab rider, nabiyayaan ng tulong nang maglaro sa munting pakulo ng kanyang customer

Grab rider, nabiyayaan ng tulong nang maglaro sa munting pakulo ng kanyang customer

- Nabigyan ng tulong ang isang delivery rider matapos na sakyan nito ang pakulo ng kanyang naging customer

- Sa bawat tanong ng customer, may karampatan itong premyo kaya naman nakakuha ng pera ang rider

- Bukod dito, nabigyan din siya ng waterproof jacket na kanyang magagamit sa kanyang pagha-hanapbuhay

- Bakas sa rider na labis itong natuwa sa mga biyayang hindi niya inaasahang matanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Grab rider, nabiyayaan ng tulong nang maglaro sa munting pakulo ng kanyang customer

Grab delivery rider (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Nag-viral ang video ng isang delivery rider na nabiyayaan ng tulong ng isang tailoring shop.

Nalaman ng KAMI na nagpa-deliver ang EZ Jersey shop para makapili ng Grab driver na kanilang tutulungan.

Subalit mayroon munang kaunting pakulo ang naturang sportswear store bago nila tuluyang ibigay ang surpresa sa delivery rider.

Sa video na kanilang binahagi sa kanilang Facebook page, makikitang naghanda ng limang katanungan ang shop para sagutin ng rider.

Madadali lamang ang mga tanong kaya naman game na game ang rider sa pagsagot sa mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang hindi niya alam, ang papel kung saan nakasulat ang mga tanong ay may kalakip na pera na mapapasa-kanya kung masagot niya ang mga ito.

Kaya naman sa apat na kanyang nasagutan, nakuha niya ang lamang pera nito na ang pinakamataas na halaga ay P500.

Bukod pa rito, bilang sportswear store ang kanyang napuntahan, nabigyan pa ang rider ng waterproof jacket na tamang-tama para sa kanyang hanapbuhay.

Dinagdagan pa nila ito ng cloth mask na ka-terno ng jacket.

Bakas sa mukha ng rider ang labis na kasiyahan sa kanyang natanggap na di inaasahang biyaya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa EZ Jersey:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang delivery services sa patok na pagkakitaan ngayong patuloy pa ring lumalaganap ang COVID-19 sa bansa.

Katunayan, ang ibang taong nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya ay mas piniling maging delivery rider na muna upang patuloy na masuportahan ang kanilang pamilya sa panahon ng krisis.

Maging ang ilang mag-aaral na wala pang klase, rumaraket na muna bilang delivery riders upang makatulong sa mga magulang sa mga gastusin nila sa bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel