Nurse na naka-recover sa COVID-19, sinurpresa ng BF ng isang nakakaiyak na wedding proposal

Nurse na naka-recover sa COVID-19, sinurpresa ng BF ng isang nakakaiyak na wedding proposal

- Nag-viral ang kakaibang wedding proposal ng isang photographer at film director sa kanyang nobyang naka-recover sa COVID-19

- Nurse pa ang kanyang girlfriend kaya naman super proud siya na nalampasan nito ang mga pagsubok ngayong pandemya

- Labis na ikinagulat ng girlfriend ang surpresa ng kanyang nobyo na inakala lamang niya na sinalubong siya sa kanyang paggaling

- Patunay lamang daw ang pangyayaring ito na kahit sa gitna ng pandemya, mangingibabaw pa rin ang tunay na pag-ibig at pagmamahalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nurse na naka-recover sa COVID-19, sinurpresa ng BF ng isang nakakaiyak na wedding proposal

Arjanmar at Khaye (Photo from Arjanmar H. Rebeta Facebook)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang kakaibang wedding proposal na pinaghandaan ng film director at photographer na si Arjanmar Rebeta para sa kanyang nobya na si Khaye.

Nalaman ng KAMI na isang nurse si Khaye na nagsilbing frontliner mula nang lumaganap ang COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang pagbibigay serbisyo, isa na rin siya sa mga tinamaan ng bagsik ng naturang virus.

At bilang film director ang kanyang boyfriend, naisipan nilang gawin itong munting documentary ng pakikipaglaban ni Khaye sa COVID-19.

Sa bawat episode, makikita ang suporta ni Arjanman sa kanyang nobya sa pamamagitan ng madalas na video calls.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito ang nagsilbing daan upang maipadama sa nobya na hindi ito nag-iisa sa kanyang laban kontra COVID-19.

Mild case lang ang sinapit ni Khaye ngunit labis na mahirap pa rin ito sa kanyang pamilya gayundin sa nobyo.

Umabot din siya ng 12 araw sa ospital at sa mismong araw ng kanyang paglabas sa pagamutan, doon naisipan ni Arjanmar na gawin ang proposal.

Bilang isang munting documentary film na nga ang karanasan ni Khaye sa pagkakaroon ng COVID-19, nakahanda na rin ang kanyang video para maipakita ang pagpapasalamat niya sa mga kapwa niya frontliners na nag-alaga sa kanya.

Hindi niya alam na ang kanyang nobyo na nasa labas ay hindi lamang siya susunduin sa araw na iyon.

Matapos na iabot ni Arjanmar ang bulaklak kay Khaye, inilabas na rin niya ang singsing habang hawak na ng mga kasabwat na frontliner ang banner na may nakasulat na "Pakakasalan mo ba ako?"

Hindi napigilang maluha ni Khaye na labis na nasurpresa sa nangyari. Dahil sa nakamamanghang kwento ng pag-ibig ng dalawa, ibinahagi rin ng programa ng GMA na JUAN LOVE: An i JUANder at Tadhana Online Series.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Sa panahong patuloy tayong nakararanas ng pandemya, nakapagbibigay pag-asa ang mga kwento ng pag-ibig na tulad ng kina Arjanmar at Khaye.

Ang iba pa nga, itinuloy ang kanilang pag-iisang dibdib sa gitna ng banta ng COVID-19 habang nakapagbigay tulong din sila sa mga labis na tinamaan ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel