Mayor Abby, proud sa 'Makatizen' na ipinang-negosyo ang ayuda mula sa lungsod

Mayor Abby, proud sa 'Makatizen' na ipinang-negosyo ang ayuda mula sa lungsod

- Hinangaan mismo ni Makati Mayor Abigail Binay-Campos ang isang residente ng kanulang lungsod

- Ito ay dahil sa ginamit na puhunan ng residente ang ayudang natanggap upang magkaroon ng fish ball stall

- Ipinagmamalaki pa ng residente na mula sa P5,000 na kanyang natanggap mula sa lungsod ang kanyang munting negosyo

- Marami pang biyayang natanggap ang mga 'Makatizen' na labis nilang ipinagpapasalamat sa kanilang butihing Mayora

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayor Abby, proud sa 'Makatizen' na ipinang-negosyo ang ayuda mula sa lungsod

Mayor Abigail Binay-Campos (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Ipinagmamalaki ng alkalde ng Makati City na si Mayor Abigail Binay-Campos ang isang residente na ginamit sa munting negosyo ang natanggap na ayuda mula sa lungsod.

Nalaman ng KAMI na isang fish ball stall ang naipundar ng residente ng Bragy. Valenzuela na si Mario Lutang.

Sa Facebook page ng My Makati, ibinahagi ang larawan ni Mario at ng kanyang negosyo na may nakasulat pang "Katas ng Makatulong5k"

"Saludo ako sa'yo, Mario Lutang ng Brgy. Valenzuela. Nagawa mong palaguin ang P5K na iyong natanggap mula sa Makatulong 5k," pahayag ni Mayor Abby sa post.

Ang Makatulong5k ay ang programa ng lungsod kung saan ang lahat ng residente ng Makati na kwalipikado ay maaring makakuha ng P5,000 bilang tulong ngayong humaharap tayo sa matinding krisis ng COVID-19.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, maging ang mga 'may kaya' na naninirahan sa Makati ay maaring makakuha ng P5,000.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tinatayang nasa 500,000 na mga residente ang pinaghandaang mabigyan ng naturang cash aid na ito na nagsimula noong Mayo ng kasalukuyang taon ayon sa Rappler.

Hindi lamang ito ang natanggap at matatanggap pa ng mga 'Makatizen.'

Dahil napipinto na ang pagbubukas ng klase, tinatayang nasa 2,500 na mga guro ng Makati ang makatatanggap ng laptop na siyang magagamit nila para sa online learning ngayong school year.

Ayon sa Inquirer, inaasahang maibibigay ito sa mga guro bago ang Oktubre 5 sa pagdiriwang ng World Teacher's Day. Ito rin ang bagong petsa na itinakda sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

Hindi lamang ang mga guro ang mabibiyayaan ng kagamitan para sa klase. Ang lahat ng mga estudyante sa pampublikong paaralan sa lungsod ay makatatanggap ng learning package na naglalaman ng flash drive, printed modules, at 2 washable na face masks.

Samantala, nagpasalamat din ang alkalde kay Mario dahil sa 'mensahe ng pag-asa' na ipinakita raw nito sa pagpapalago ng natanggap ng pera. Isa raw talaga itong matatawag na "proud Makatizen."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin may mga kababayan tayong hindi nagpatalo sa hamon ng pandemya. Tulad ni Mang Mario, may ilang mamamayang naisipan ding ipang-negosyo ang natanggap na pera lalo na kung sila ay wala nang ibang pagkakakitaan.

Subalit may ilan pa ring napunta naman sa hindi mahalagang bagay ang perang sana'y nagawa na lamang nilang palaguin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel