Ilang nurses sa bansa, tigil trabaho dala ng takot sa COVID-19

Ilang nurses sa bansa, tigil trabaho dala ng takot sa COVID-19

- Kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na dumarami ang bilang ng mga nurses sa bansa na tumitigil sa trabaho

- Mismong ang mga magulang umano ng mga health workers ang pumipigil sa kanilang mga anak na ipagpatuloy ang serbisyo sa mga ospital

- Ito ay dahil sa takot na mahawa sila sa nakamamatay na virus

- Depensa namana ng ilan, aminadong hindi sila nabibigyan ng sapat na benepisyo sa kanilang buwis-buhay na trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang nurses sa bansa, tigil trabaho dala ng takot sa COVID-19

Photo (from Rawpixel)
Source: UGC

Inihayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nurses sa bansa na tumitigil sa trabaho sa gitna ng pandemya.

Sa ulat ng GMA News, nagaganap ito partikular sa mga private hospitals na kinukulang na sa mga nurses.

Sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila, nababalot na raw ng takot ang mga nurses at kani-kanilang pamilya sa posibilidad na sila ay mahawa.

Maging ang direktor ng Philippine General Hospital (PGH) ay aminadong tila namaliit nila ang takot sa panganib na dala ng COVID-19.

“We underestimated the fear that was associated with COVID-19 and managing… not only our own fear but of the other people around you,” ayon kay PGH Director Gerardo Legaspi.

Hindi lamang sa Metro Manila nangayayari ang kakulangan sa mga nurses.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hirap na rin umano ang DOH na magpadala ng mga karagdagang health workers sa Cebu kung saan mataas din ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Dahil sa mga pangyayaring ito, siniguro ni Sec. Duque na ginagawan umano nila ng paraan na mabigyan ng maayos at nararapat na benepisyo ang mga health workers tulad ng nurses na nagsisilbing frontliners sa laban natin sa COVID-19.

Subalit ang ilan sa kanila ay may mga hinaing kaugnay sa usaping ito.

Tulad na lamang ni JocelynAndamo, Secretary General ng Philippine Nurses United na matapang na ibinulalas ang isa sa mabibigat na dahilan pa ng mga nurses kung bakit napipilitan silang magbitiw sa trabaho.

"Napakasakit po na marinig ang ganun na parang kami ay hindi nationalist o patriotic sa panahon ng pandemya. Dekada na po ang mga nurses ay naglilingkod sa ating pamayanan at sa ating mga ospital. Napabayaan na po kami sa maraming paraan: napakababang sahod, hindi makataong work conditions—matagal na po kaming naglilingkod sa ating mamamayan,” ayon mismo sa panayam kay Andamo ng ABS-CBN News.

Sigaw ng kanilang grupo, "nakabubuhay na sahod at ang seguridad sa kanilang hanapbuhay" lalo na ngayong humaharap tayo sa pandemya at sila ang inaasahang makatutulong sa atin.

Paliwanag din nilang walang nurse na nais mangibang bansa at mawalay sa kanilang pamilya.

Nagagawa lamang ito ng ilan dala ng kagustuhang magkaroon ng sahod naaayon sa kanilang serbisyo.

Kaya naman hindi nakapagtatakang 25 lamang ang natanggap na application ng DOH sa mga nurses na nais magbigay serbisyo sa bansa kumpara sa mga nais na magtrabaho abroad base sa ulat ng Inquirer.

Panawagan ni Duque, na sana'y magkaisa tayo kontra COVID-19 ngunit paano raw umano ito mangyayari kung mula pa noong Abril ay di pa umabot manlang sa 100 ang mga nag-apply.

Maaalalang naging panawagan na rin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte apat na buwan na ang nakararaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila dumarami na ang mga naiulat na hinaing ng mga health workers partikular na ng mga nurses sa bansa.

Kamaikailan ay nag-viral ang post ng isang anak ng nurse na pumanaw sa COVID-19 at huli na nakuha ang 'hazard pay' nito. Lumalabas pa na nasa P150 lamang at hindi P500 kada araw na kanilang inaasahan base na rin mga naiulat.

Isa rin sa mga nabalita ang nurse na tinamaan ng COVID-19 habang nasa serbisyo ngunit pinabayaan di umano sila ng mismong pinapasukang ospital.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel