Lani Mercado, nagbigay ng update ukol sa kalagayan ng mister na si Bong Revilla Jr.

Lani Mercado, nagbigay ng update ukol sa kalagayan ng mister na si Bong Revilla Jr.

- Ibinahagi ni Lani Mercado-Revilla ang kasalukuyang kalagayan ng mister na si Bong Revilla Jr. na nakikipaglaban sa COVID-19

- Matatandaang mahigit isang linggo na ang nakalipas nang kumpirmahin mismo ng senador na tinamaan din siya ng COVID-19

- Katunayan, isa sa kanyang mga social media post, ipinakita niya mismo ang kanyang kalagayan at kung ano-ano ang kanyang nararamdaman sa pagkakaroon ng virus

- Patuloy pa ring nagpapagaling ang senador lalo na at mayroon pa rin itong pneumonia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lani Mercado, nagbigay ng update ukol sa kalagayan ng mister na si Bong Revilla Jr.

Ramon "Bong" Revilla Jr. (Photo from Wikimedia Commons)
Source: Facebook

Nagbigay ng update si Mayor Lani Mercado-Revilla ukol sa kalagayan ng kanyang mister na si Senator Bong Revilla Jr.

Kasalukuyan pa ring nakikipaglaban sa COVID-19 ang senador matapos itong magpositibo noong Agosto 19.

Nalaman ng KAMI na unang nagkaroon ng virus ang isa sa mga kasama sa bahay ng senador at maging ang isa sa kanyang mga tauhan.

Kaya naman agad na nagpa-test si Bong gayundin ang kanyang pamilya na madalas kasama sa bahay.

Lumabas na ang senador lamang ang nagpositibo sa COVID-19 at negatibo ang kanyang asawa at mga anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isinugod ang senador na dating aktor sa ospital noong Agosto 18 kung saan napag-alamang mayroon na itong pneumonia.

Makalipas ang tatlong araw, muling nagbigay ng update ang si Mayor Lani at ipinakita rin niya ang screenshot ng pag-uusap ng kanyang mister.

"He still has pneumonia. He occasionally coughs when he talks and still needs to rest," ang bahagi ng post ng alkalde ng Bacoor.

Nagpapahinga pa rin sa pagamutan ang senador at umaasa ang kanyang pamilya na patuloy na itong gagaling.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi agad nagpa-ospital si Senator Bong Revilla Jr. mula nang malaman niyang nagpositibo ang resulta ng COVID-19 test na ginawa sa kanya.

Nag-self isolate muna ito gayung ilang sintomas na rin noon ang kanyang nararamdaman.

Katunayan, sa isa niyang post sa social media, ipinakita niya ang kanyang kondisyon at sinabi ang kanyang mga nararamdaman sa pagkakaroon ng nasabing respiratory disease.

Hindi nito naiwasang maging emosyonal sa video marahil sa sakit na nararamdaman.

Si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. ay dating aktor bago niya pasukin ang mundo ng pulitika.

Gayundin ang kanyang misis na si Lani Mercado na unang nakilala bilang isang aktres bago ito naging public servant.

Maging ang kanilang anak na si Ramon "Jolo" Revilla III na pinasok din ang pag-aartista ay kasalukuyan na ring Bise gobernador ng probinsya ng Cavite.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel