Babala po! Pag-disinfect ng pera, may kalakip na parusa -BSP

Babala po! Pag-disinfect ng pera, may kalakip na parusa -BSP

- Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ukol sa pagdi-disinfect ng pera

- Kaugnay ito sa takot ng marami na mahawaan ng deadly virus na novel coronavirus 2019

- Ayon sa BSP, posibleng makulong ng 'di bababa sa limang taon at magmulta ang sinumang mapatunayang gumawa nito

- Maituturing daw kasi itong "acts of mutilation or destruction of Philippine currency"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ukol sa pagdi-disinfect ng pera na isa raw sa mga hakbang ng ilang Pinoy para maiwasang mahawaan ng nakamamatay na novel coronavirus.

Ayon sa BSP, posibleng makulong ng 'di bababa sa limang taon at magmulta ng hanggang P20,000 ang sinumang mapatunayang gumawa nito, batay sa report ng ABS-CBN News.

Babala po! Pag-disinfect sa pera, may kalakip na parusa -BSP

Photo from Google Images
Source: UGC

"Pinaaalalahanan ng BSP ang publiko na iwasang ibabad o wisikan ang salaping papel at barya ng tubig at sabong panlaba, alcohol, bleach, at iba pang kemikal," ayon sa isang pahayag ng BSP.

Maituturing daw kasi itong "acts of mutilation or destruction of Philippine currency" alinsunod sa probisyon ng Presidential Decree No. 247.

Noong Pebrero 2020, isang report ang lumabas kung saan sinabing nag-disinfect ang China ng kanilang pera matapos lumabas sa isang pag-aaral na may mga bacteria na nadiskubre sa mga ito, ayon sa report ng Balitanghali ng GMA News.

Ayon sa statistics ng BSP, ang perang papel ay naipapasa ng libo-libong beses sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon. Pinakamarami ang P20 bill.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Base doon sa pagswa-swab na ginawa, makikita ninyo na may mga mikrobiyong tumubo doon sa non-selective medium. Pweedng magkaroon ng Staphylococcus Aureus saka ng Pseudomonas Aeruginosa," sabi ni Associate Professor Dr. Gil Penuliar ng University of the Philippines Institute of Biology.

Ang Staphylococcus Aureus ay maaaring maging sanhi ng boils, blood poisoning, at food poisoning.

Habang ang Pseudomonas Aeruginosa, na karaniwang natatagpuan sa mga ospital, ay maaaring maging sanhi ng sepsis, o blood infection, meningitis, at pneumonia.

Paalala naman mga awtoridad, panatilihin ang proper hygiene para makaiwas sa COVID-19.

"Para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, kailangang gawin ang proper hygiene at ituring ang pera na katulad ng ibang mga bagay na laging hinahawakan."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nakapagtala na ng 182,365 kabuuang bilang ng COVID-19 positive cases ang Department of Health hanggang ngayong araw.

Nakapagtala naman ng 616 recoveries ngayong araw kay mayroon nang 114,519 total number of recoveries. Habang 2,940 naman ang nasawi dahil sa virus.

Sa isang report, isang ginang mula sa Olongapo City ang nasawi, isang linggo matapos manganak dahil sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel