Inang kakapanganak pa lamang, patay dahil sa COVID-19

Inang kakapanganak pa lamang, patay dahil sa COVID-19

- Pumanaw ang isang inang kapapangangak pa lamang sa kanyang supling sa Olongapo City

- Kinumpirmang COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay ng ginang, isang linggo matapos na ito ay manganak

- Bagaman at maayos nitong nailuwal ang kanyang sanggol, wala pang detalye sa kasalukuyang kalagayan nito

- Tinatayang nasa 105 na ang naitalang kaso sa kanilang lugar base sa huling update ng kanila mismong alkalde

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inang kakapanganak pa lamang, patay dahil sa COVID-19

Photo (from piqsels)
Source: UGC

Isang ginang sa Olongapo City ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Ang nakalulungkot pa lalo sa kanyang sitwasyon, kakapanganak pa lamang niya sa kanyang supling isang linggo lamang ang nakararaan.

Base sa ulat ng Inquirer, mismong ang alkalde ng Olangapo City na si Mayor Rolen Paulino Jr. ang nagkumpirma pagkamatay ng ginang nang dahil umano sa kinatatakutang virus.

Nalaman ng KAMI na maayos na naipanganak ang sanggol sa pamamagitan ng cesarean procedure noong Agosto 14.

Ngunit sa ngayon, wala pa muling detalye tungkol sa kasalukuyang lagay ng kalusugan nito ayon sa Abante.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa huling datos na ibinahagi mismo ng alkalde ng naturang lungsod, lima ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

May kabuuang bilang na silang 105 at ikaapat na ang ginang sa mga namamatay sa kanilang lugar dahil sa COVID-19.

Patuloy din ang pagpapaalala ng alkalde sa kanyang Facebook page tungkol sa mga safety protocols kontra virus na nararapat sundin ng mga mamamayan ng Olongapo.

Samantala, sa ating bansa, tinatayang umabot na sa 182, 365 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 base sa huling datos na inilabas ng Department of Health ngayong araw, Agosto 21.

Mahigit 100,000 na sa bilang na ito ay mula sa Metro Manila kaya naman iminumungkahi na ang mas mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa buong rehiyon base sa ulat ng CNN Philippines.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maari pang makulong ang sino mang magsusuot ng face mask sa maling paraan lalo na ang mga walang suot nito kung maaprubahan.

Kamakailan ay ipinatupad na rin ang paggamit ng face shield bukod sa face mask ng mga commuter o sumasakay sa pampublikong sasakyan mula pa noong Agosto 15.

Ngayong araw, nilinaw na rin ng pamahalaan na maging ang mga magpupunta sa matataong lugar tulad ng mga mall at iba pang pamilihan ay nangangailangan na ring magsuot ng face shield.

Pinaniniwalaang isa itong karagdagang proteksyon sa bawat isa upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng virus lalong-lalo na sa National Capital Region at mga kalapit probinsya nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel