Mayor Isko, nagbitaw ng mabibigat na salita kaugnay sa kontrobersyal na beauty product

Mayor Isko, nagbitaw ng mabibigat na salita kaugnay sa kontrobersyal na beauty product

- Agad na ipinasara ni Manila City Mayor Isko Moreno ang isang tindahan sa Binondo na nagbebenta umano ng kontrobersyal na beauty product

- Ito ay matapos na mapag-alamang ang nakalagay sa produkto ay yari ito sa 'Manila, Province of China'

- Ayon pa kay Manila Bureau of Permits director Levi Facundo malaking insulto raw ito sa lungsod

- Kaugnay nito, nagbitaw ng mabibigat na salita ang alkalde ng lungsod at ang nakalagay sa produkto hindi raw katanggap-tanggap bilang Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mayor Isko, nagbitiw ng mabibigat na salita kaugnay sa kontrobersyal na beauty product

Mayor Isko Moreno (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Ipinasara ang isang establisyamento sa Maynila na nagbebenta ng mga beauty products na gawa raw sa "Manila, Provice of China," ngayong araw, Agosto 20.

Nalaman ng KAMI na agad itong inaksyunan ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos na mapuna ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles.

Nagalak si Nograles sa naging desisyon ng alkalde ng lungsod kahit na naglabas na ng pahayag ang ilang opisyal ng gobyerno na sinasabing 'kalokohan' lamang ang naturang 'label' sa beauty product.

"It is truly refreshing to know that Mayor Isko chose to take action even as some government officials simply dismiss this incident as a 'kalokohan' that must be ignored," aniya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, mismong si Manila Bureau of Permits director Levi Facundo ang nagsabing malaking insulto ang label na ito sa lungsod ng Maynila.

Gayunpaman, hihingan pa rin nila ang naturang tindahan ng mga permit mula sa Manila Health Department, Mayor’s Office, at maging sa Food and Drug Administration.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kasabay ng pagpapasarang ito, nagbitaw din ng mabibigat na pahayag ang 'Ama ng Lungsod ng Maynila' kaugnay sa mainit na kontrobersiyang ito.

Sa ulat ng Philippine Star, nasabi ni Mayor Isko na hindi katanggap tanggap na maging 'probinsya ng China' ang Lungsod ng Maynila.

"Hindi po ako governor ng China, Mayor po ako ng Maynila, Pilipinas. Hindi ito katanggap-tanggap bilang Pilipino, bilang Manilenyo!"

"No way na harap-harapan niyong aalipustahin ang aming lungsod!"

"Hangga't ako ang Mayor ng lungsod, you have no place here!"

"Hindi po ito katanggap-tanggap bilang Pilipino, bilang Manilenyo," wika ng alkalde.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang video na binahagi sa kanya mismong Facebook page, ipinakita ang aktwal na pagpapasara na tindahang nagtitinda ng konrtrobersyal na beauty product.

Matatandaang taong 2018, nang nagawang magbiro ni Pangulong Rodrigo Duterte na maari raw maging probinsya ng China ang Pilipinas at tatawagin itong “Province of Philippines, Republic of China.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel