Dalawang lalaking dahilan ng pagkakaroon ng mala-higanteng bula, arestado

Dalawang lalaking dahilan ng pagkakaroon ng mala-higanteng bula, arestado

- Nahuli na ng mga awtoridad ang sinasabing salarin sa paglabas ng ga-higanteng mga bula sa Tuy, Batangas

- Natakot ang mga residente na malapit sa ilog matapos na bigla na lamang umanong sumulpot ang napakaraming bula mula rito

- Mas lalo silang nangamba nang mapansing namatay ang mga isda sa sapa sa pagsulpot ng mga bula

- Napag-alamang isang uri ng kemikal ang nagawang itapon ng mga lalaki sa ilog

- Naaktuhan pa umano sila ng mga awtoridad na nililinis ang drum na pinaglamnan ng kemikal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang lalaking dahilan ng mala-higanteng bula, arestado

Mala-higanteng bula (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Agad na natukoy ng mga awtoridad ang dahilan ng mga mala-higanteng bula sa Barangay Sabang at Barangay Bayudbud sa Tuy, Batangas.

Bandang ala una ng hapon noong Agosto 19, bigla na lamang namuo ang malalaking bula sa sapa na ikinagulat ng mga residente roon.

Matinding palaisipan sa mga residente ang paglabas ng mga bula lalo na at wala naman daw malapit na factory sa lugar nila na maaring pagmulan nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit dahil sa agarang pagresponde ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Tuy gayundin ang kanilang mga kapulisan, agad na natugis ang mga salarin.

Katunayan, naabutan pa raw mismo ng awtoridad ang dalawang lalaking sinasabing may gawa nito.

Nagawa pa raw ng dalawang ito na hugasan ang mga drum na pinaglamnan ng mga kemikal na kanilang itinapon sa ilog.

Ang mga kemikal din ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa sapa na napansin din ng mga residente.

Tinatayang nasa 16 na drum pa ang nakita ng mga nag-imbestiga ngunit hindi pa matukoy kung saan ito nagmula at sino ang nag-utos sa dalawang natimbog na gawin iyon.

Dahil sa nakalalasong kemikal pala ang itinapon ng dalawa, haharapin nila ang kasong paglabag sa Republic Act (RA) 6969 o ag tinatawag na Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990 at RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Laking pasasalamat ng mga residente roon sa agarang pagresponde ng kinauukulan at agad na nahuli ang mga salarin.

Narito ang ilang larawan mula sa sapa na napuno ng bula na ibinahagi ni Dennis Datu:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis kasi silang nabahala sa biglaang pagsulpot ng bula lalo na at unang beses na nangyari ito a kanilang lugar.

Samantala, kamakailan ay ilang mga lamang dagat ang naiulat na natatagpuan at tila umaaklas sa tubig.

Pinaniniwalaang senyales daw ito ng sakuna kung saan nauunang makaramdam ang mga hayop sa dagat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel