Mga Pinoy, kanya-kanyang diskarte para hindi masayang ang ginastos sa barrier

Mga Pinoy, kanya-kanyang diskarte para hindi masayang ang ginastos sa barrier

- Tampok sa social media ngayon ang iba’t ibang diskarte ng mga Pinoy sa barrier shield

- Imbis na masayang umano ang ginastos nila para rito, sa ibang paraan na lang nila gagamitin ito

- Ang iba nga ay ginamit ito bilang proteksyon sa pagpi-prito at board sa paglalaba

- Bigla kasing binawi ng pamahaalan ang patakaran na kailangan ng barrier sa motorsiklo kapag may kaangkas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan, inanunsyo ng Joint Task Force COVID Shield na hindi na kakailanganin ang mga barrier sa motorsiklo kapag may kaangkas.

Nalaman ng KAMI na para hindi masayang ang pagbili ng mga Pinoy sa barrier, kanya-kanyang diskarte naman ang mga ito.

Mga Pinoy, kanya-kanyang diskarte para hindi masayang ang ginastos sa barrier

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, hindi na kakailanganin ang barrier para sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ).

Samantala, marami naman ang nanghinayang sa kanilang nagastos sa barrier.

Sa Facebook post ng GMA News, ibinahagi ng isang netizen na naisip nila ng asawa niya na gawing proteksyon na lang sa pagpi-prito ang barrier shield. Ganito nga rin ang ginawa ng iba pang mga netizens:

Sa Facebook video naman na binahagi ng netizen na si Jeff Channtv, ginawang board para sa paglalaba ang barrier. Aniya, mapapakinabangan pa naman daw ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa banta ng COVID-19, maraming mga patakarang ginawa ang pamahalaan para hindi na tuluyang kumalat pa ang coronavirus sa bansa. Isa na nga rito ang paggamit ng barrier sa motorsiklo.

Subalit, binawi naman ito ng gobyerno at sinabing pwede nang magka-angkas ang mga taong nakatira sa loob ng iisang bahay kahit walang barrier.

Sabi rin ni Interior Secretary Eduardo Año, maiging magsuot ng face shield sa loob ng bahay upang maprotektahan ang pamilya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel