Matteo Guidicelli, ibinahagi ang kwento sa likod ng engagement ring na binigay niya kay Sarah

Matteo Guidicelli, ibinahagi ang kwento sa likod ng engagement ring na binigay niya kay Sarah

- Ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang ilang detalye ng naganap na proposal niya kay Sarah Geronimo

- Itinuturing umano ng aktor na pinakamasayang araw para sa kanya ang araw na nagpropose siya sa Popstar

- Ibinahagi din ng aktor na hindi lang isa ang singsing na kanyang ibinigay sa kanyang maybahay

- Ipinagmalaki niya ring hindi na kailangan pang i-adjust ang singsing na mula pa sa kanyang lola para magkasya kay Sarah

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Matteo Guidicelli na maituturing niyang pinakamasayang araw sa kanyang buhay ay noong nag-propose siya sa kanyang asawang si Sarah Geronimo.

Sa isang Instagram Live ng writer na si G3 San Diego, ibinahagi ng aktor ang ilang detalye ng kanyang proposal.

Anim na taon na naging magkarelasyon sina Matteo at Sarah bago naganap ang proposal.

“I planned it but when it was the time for it, I couldn’t do it. The words were in my lips and it couldn’t come out," pagbabalik-tanaw ni Matteo.

Hindi lang isa ang singsing na inihanda ng aktor. Isa ay pamana mula sa kanyang lola at ang isa ay gawa ng kanyang brother-in-law na isang jeweler.

Matteo Guidicelli, ibinahagi ang kwento sa likod ng engagement ring na binigay niya kay Sarah

Sarah geronimo (Photo from Getty Images)
Source: Getty Images

“That first ring, I’m proud of it, I’m very proud that it was… my grandmother’s ring. I’m very proud na (that) it did not need readjusting or anything," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya rin kung paano sila pinagtagpo at itinadhana.

“God placed us in the same space, at the right time when we were both ready,
“I don’t wanna say ready. I don’t think you’ll ever be ready for something.
“You always have to trust, especially trust your partner. Ako (Me) I trust Sarah so much, and I’m very proud of her and she’s an incredible person that I trust fully.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Si Matteo Guidicelli ay isang sikat na aktor at endorser sa bansa. Ikinasal sila ni Sarah Geronimo noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Makalipas ang ilang buwan, natuloy ang kanilang naudlot na honeymoon sa Amanpulo, Palawan.

Naging usap-usapan din ang ilang litrato ng mag-asawa na kuha sa kanilang honeymoon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel