Mala-higanteng bula, bumulaga mula sa isang sapa sa Batangas

Mala-higanteng bula, bumulaga mula sa isang sapa sa Batangas

- Nangamba ang ilang residente sa Batangas sa paglitaw ng higanteng bula sa mula sa isang sapa

- Noon lamang daw sila nakakita ng ganoon karami at umaapaw na bula na pinangangambahan nilang baka nakakasama sa kalusugan

- Pinaniniwalaang senyales daw ito na marumi na ang tubig sa sapa kaya ito nangyari ngunit ito pa rin ay susuriin ng eksperto

- Hindi naman maiwasang mahiwagaan ang iba pang residente lalo pa at naganap ito matapos na mamatay ang mga isda sa naturang sapa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mala-higanteng bula, bumulaga mula sa isang sapa sa Batangas

Ga-higanteng bula sa Batangas (Photo from Jolina Barrias Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang mga larawang kuha sa isang sapa ng barangay Sabang sa Tuy, Batangas.

Nalaman ng KAMI na bandang ala una ng hapon ng Agosto 19, bigla na lamang bumulaga ang ga-higanteng mga bula sa nasabing anyong tubig.

Nangamba ang mga residente lalo na at hindi pangkaraniwan ang bulang ito na hindi basta-basta malilikha ng sabon lamang.

Wala rin daw umanong pabrika na malapit sa sapa para anurin ang malalaking bula.

Sa larawang orihinal na binahagi ng netizen na si Jolina Barrias, tila itsurang ulap na bumaba sa lupa ang mga bula. Ito ang unang beses na makakita sila ng ganitong bula sa kanilang lugar.

Ayon sa GMA News, minsan nang naipaliwanag ng mga ekperto na ang malalaking bula na tulad nito ay senyales na marumi na ang tubig nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Agad namang naaksyunan ng kanilang barangay ang insidente at ipinasuri na sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC).

Sa inisyal na obserbasyon, tila kemikal daw ang maaring dahilan ng mga bula lalo pa at namatay ang mga isda sa sapang ito.

Ipinagbigay alam na rin daw nila ang insidente sa Department of Environment and Natural Resources upang malaman ang posibleng pinagmulan nito at kung kagagawan ito ng residente o negosyante sa lugar.

Kamakailan ay agaw-eksena rin ang mga naglalabasang kakaibang isda sa iba't ibang anyong tubing.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad na lamang ng oarfish na namataan sa Agusan del Norte. Tila naiugnay pa ito sa naganap na malakas na lindol na naganap sa Masbate lalo na at nakita ito dalawang araw bago naganap ang sakuna.

Gayundin ang malaking isda sa Eastern Samar na nahuli naman isang araw matapos ang pagyanig.

Pinaniniwalaang ang paglabas ng mga kakaibang nilalang na ito mula sa tubig ay senyales ng hindi magandang pangyayari tulad ng malakas na paglindol na una nilang nararamdaman sa ilaim ng tubig kaya pilit silang umaalis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel