Divisoria, dinagsa ng mga mamimili sa unang araw ng pagbalik sa general community quarantine

Divisoria, dinagsa ng mga mamimili sa unang araw ng pagbalik sa general community quarantine

- Dinagsa ng mga tao ang Divisoria sa unang araw ng general community quarantine

- Mahaba ang pila ng mga tao papasok sa malls dahil sa higpit ng security at safety check

- Ito ay matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine nang labinlimang araw ang kalakhang Maynila

- Halos 20 ang nasita sa mga pumapasadang trike, pedicab at e-bike dahil mahigit sa dalawa ang sakay at mataas maningil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang bakas ng pagkakaroon ng pandemya ang eksena sa Divisoria ngayong araw. Ngayon ang unang araw ng general community quarantine. Ito ay matapos isailalim sa modified enhanced community quarantine nang labinlimang araw ang kalakhang Maynila.

Mahaba ang pila ng mga taong papasok sa malls dahil sa higpit ng security at safety check ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Binantayan ang mga operasyon ng mga pumasada na trike, pedicab at e-bike at halos 20 ang nasita dahil mahigit sa dalawa ang sakay at mataas maningil.

Pinapayagang mamasada ang mga trike, pedicab at e-bike pero dapat dalawa lang ang pasahero sa ilalim ng GCQ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katwiran ng mga nahuli, lugi sila dahil mataas anf kanilang boundary.

Matatandaang nagpatupad ng enhanced community quarantine para sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Layon ng quarantine na maiwasang patuloy na magkahawa-hawa ang coronavirus sa mas marami pang tao.

Divisoria, dinagsa ng mga mamimili sa unang araw ng pagbalik sa general community quarantine

API via Getty Images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nagpatupad na rin ng mga quarantine ang ibang mga lalawigan.

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

Sa panahon ng pandemya, nakatutuwang isipin na may mga kwentong umuusbong at nagbibigay ng pag-asa upang tayo ay mabuhay.

Patunay lamang na sa magulong sitwasyon na hinaharap ng mundo ngayon, namumutawi pa rin ang pagmamalasakit, pagtutulungan at lalo na ang pagmamahal natin sa ating kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel