Kiray Celis, may Birthday surprise para sa kanyang boyfriend

Kiray Celis, may Birthday surprise para sa kanyang boyfriend

- Bongga ang sorpresang inihanda ng Kapuso actress na si Kiray Celis sa nobyo nitong si Stephan Estopia

- Ibinahagi niya din ang kanyang mga regalo kabilang na ang mga pabango, sapatos, gold na kwintas at marami pang iba

- Sa kanyang mensahe pinasalamatan niya ang nobyo sa pagiging tapat nito sa kanilang relasyon

- Bukod sa mga cakes, isang boodle fight din ang kanilang pinagsaluhan kasama ang pamilya ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bongga ang birthday surprise ni Kiray Celis para sa kaarawan ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Sa kanyang mahabang mensahe ay pinasalamatan ni Kiray ang kasintahan sa pagiging tapat nito sa kanya.

Kulang pa umano ang mga regalong kanyang ibinigay sa tapat na pagmamahal, pag-iintindi at pagsuporta ng kanyang kasintahan.

Bukod dito, pinasalamatan din niya ito sa pagmamahal ni Stephan para sa kanyang pamilya.

"Kulang lahat ng magagandang salita at magagandang regalo sa pagmamahal na binibigay mo sakin. Thank you for loving me. Thank you for loving my family.."

Inudyukan ni Kiray ang mga babae na isaalang-alang din ang pakikitungo ng kanilang karelasyon sa kanilang pamilya.

Kiray Celis, may Birthday surprise para sa kanyang boyfriend

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya sa lahat ng babae diyan, hanapin mo yung lalaking hindi lang ikaw yung mahal. Pero mahal rin pati pamilya mo. Mahal yung buong pagkatao mo. Maganda man o panget na tungkol sayo. Yung tanggap ka ng buong buo. Kasi mahal ka niya ng totoong totoo.

Kabilang sa mga regalong ibinigay ni Kiray sa kanyang nobyo ay pabango, sapatos, gold na kwintas at marami pang iba. Tatlong cake din ang inihanda para sa kanyang kaarawan.

Kasama ang kanyang pamilya, isang boodle fight ang pinagsaluhan nina Kiray at Stephan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng Goin' Bulilit at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mara Clara, Luv U at Growing up.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang ibinigay na regalo ni Stephan kay Kiray sa kaarawan nito.

Inalala ni Kiray kung paano niya nakilala si Stephan kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel