Carmina Villaroel, ibinunyag na muntik na silang magkaroon ng relasyon ni Piolo Pascual

Carmina Villaroel, ibinunyag na muntik na silang magkaroon ng relasyon ni Piolo Pascual

- Nagkaroon ng birthday live streaming ang Pinay actress na si Carmina VIllaroel kung saan naging panauhin niya ang ilan sa malalapit niyang kaibigan

- Ang ikinagulat ng marami ay ang pagsulpot ng sikat matinée idol na si Piolo Pascual

- Lingid sa kaalaman ng marami na super close pala ang dalawa at dumating pa nga sa punto na muntik na raw silang magkaroon ng relasyon

- Hindi man daw sila ang nagkatuluyan, sila naman ang naging daan upang ang dalawang malapit na tao sa kanilang buhay ay magkakilala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Carmina Villaroel, ibinunyag na muntik na silang magkaroon ng relasyon ni Piolo Pascual

Carmina Villaroel (Photo from Flickr)
Source: UGC

Mabilis na naging usap-usapan ang rebelasyon ni Kapuso actress Carmina Villaroel tungkol sa naudlot nilang pag-iibigan ni Piolo Pascual.

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng live streaming para sa kanyang kaarawan si Carmina noong Agosto 15 kung saan panauhin niya ang ilan sa malalapit niyang mga kaibigan.

Laking gulat ng marami nang matapos na makipagchikahan ng aktres na si Gelli De Belen kay Carmina ay agad na sumulpot si Piolo.

Tila nagulat din si Carmina, at agad namang binati at biniro ang 'kagwapuhan' ng aktor.

Dahil tila nagkakakulitan na ang dalawa, nilinaw na ng aktres na super close daw pala sila ni Piolo.

Lingid ito sa kaalaman ng karamihan at sa sobrang closeness daw nila, muntik na silang magkaroon ng relasyon.

"Close tayo! Super close tayo! Sa sobrang close nga muntikan na ngang maging kami," pagbubuking ni Carmina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi man daw sila nagkatuluyan, natulungan naman daw nila ang dalawang malapit na tao sa kanila upang magkakilala at magka-ibigan.

"We had a double date, it was their first time to meet, 'di ba? Kuya and si Tessie. Tessie, my kuya's wife, is Mina's bestfriend," paliwanag ni Piolo.

Samantala, isa rin sa labis na nagpasaya kay Carmina sa kanyang ika-45 na kaarawan ay ang asawa at mga anak.

Hindi mapigilan ng aktres na maging emosyonal sa surpresang inihanda sa kanya ng kanyang pamilya sa gitna ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Carmina Villaroel ay isa sa mga batikang aktres sa bansa na kasalukuyang aktibo sa telebisyon partikular na sa mga programa niya sa GMA.

Happily married siya sa isa ring aktor na si Zoren Legaspi kung saan biniyaan sila ng kambal na sina Cassy at Mavy.

Masasabing isa ang kanilang napakagandang pamilya sa mga mabubuting ehemplo sa showbiz. Sa kasagsagan nga ng pandemya, nagpabatid ng tulong ang kanilang pamilya kung saan namahagi sila ng mga food packs sa mga labis na naapektuhan ng pandemya at maging sa mga frontliners.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel