Mag-amang di nagkasama sa loob ng 25 na taon, nagkita sa quarantine facility

Mag-amang di nagkasama sa loob ng 25 na taon, nagkita sa quarantine facility

- Mahigit dalawang dekadang hindi nagkasama ang mag-amang ito at nagkita sa di inaasahang pagkakataon

- Ang masaklap, may galit pa umano ang anak sa amang pakiramdam niya ay iniwan silang pamilya

- Aminado pa nga itong nais niyang masuntok o masapak ang ama ngunit namutawi ang lukso ng dugo at nagawa niya agad na magmano

- Niyakap na rin niya ito at doon bumuhos ang tindi ng emosyon at nawala ang naitanim na galit sa ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-amang di nagkasama sa loob ng 25 na taon, nagkita sa quarantine facility

Isolation facility (Photo from Flickr)
Source: UGC

Dahil sa pagkakalagak sa quarantine facility, nagkita ang mag-amang sina Lyndon at Fernando Castañeda.

Nalaman ng KAMI na halos 25 na taon na di nagkasama ang ama dahil sa ilang beses umanong nakulong ang kanyang ama na dating kasapi ng NPA.

Si Lyndon ang bunsong anak na lalaki ni Fernando. Bagaman at may komunikasyon naman siya noon sa pamilya, malaking bagay na hindi niya makita at makapiling ang bunsong anak na hindi pa siya nakikilala.

Dahil dito, di napigilan ni Lyndon na magtanim ng sama ng loob sa ama na pakiramdam niya'y inabandona at pinabayaan silang pamilya.

At nang dumating ang pagkakataong silay magkita sa quarantine facility sa Tarlac, tila naiba ang ihip ng hangin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminado si Lyndon na nais niyang saktan ang ama sa galit na kinimkim niya rito.

Ngunit imbis na "Masuntok o masapak" na kanyang nasabing nais niyang gawin, napalitan ng isang mahigpit na yakap.

Palabas na ng facility si Fernando habang papasok naman ang anak na si Lyndon. Narinig ng ama ang apelyido nila kaya naman inusisa niya kung sino ito.

Nang makausap si Lyndon, tila iba na raw ang nararamdaman ni Fernando. Kinukutuban na siya kaya patuloy siyang nagtatanong.

At nang makumpirma ni Lyndon na si Fernando nga ang kanyang ama, agad itong nagmano.

Umapaw ang emosyon sa oras na iyon lalo pa at hindi na nagawang magalit pa ng anak sa ama.

Dahil sa nakalabas na ng isolation si Fernando, nakasama na rin niya ang iba pa niyang mga anak.

Ipinangako naman niyang hihintayin nila si Lyndon sa paglabas nito sa quarantine upang makasama na rin nila ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kwento nina Fernando at Lyndon mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

Sa panahon ng pandemya, nakatutuwang isipin na may mga kwentong umuusbong at nagbibigay ng pag-asa upang tayo ay mabuhay.

Patunay lamang na sa magulong sitwasyon na hinaharap ng mundo ngayon, namumutawi pa rin ang pagmamalasakit, pagtutulungan at lalo na ang pagmamahal natin sa ating kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel