Estudyanteng nagpositibo sa COVID-19, nagawa pang pumasok sa paaralan

Estudyanteng nagpositibo sa COVID-19, nagawa pang pumasok sa paaralan

- Nagawa pa ring pumasok sa paaralan ng isang high school student sa Oklahoma kahit na nagpositibo ito sa COVID-19

- Mabuti na lamang at may nag-tip sa school administration kaya naman naagapan ang pagpigil sa estudyante sa patuloy nitong pagpasok sa paaralan

- Nang kausapin ang mga magulang nito, sinabing hindi raw sila nabigyang linaw ng doktor tungkol sa kalagayan ng anak

- Malaking bagay ang mga safety protocols na ginagawa sa paaralan lalo na at 17 na mga kaklase nito ang na-expose sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Estudyanteng nagpositibo sa COVID-19, nagawa pang pumasok sa paaralan

Empty classroom (Photo from FindUniversity)
Source: UGC

Nabulabog ang Westmoore High School sa Oklahoma City, USA nang pumasok ang isa nilang estudyante na sinasabing nagpositibo sa COVID-19

Nalaman ng KAMI na unang araw ng pasukan sa kanilang paaralan nito lamang Agosto 13 at pumasok pa rin ang estudyante kahit na kumpirmadong carrier siya ng nakamamatay na respiratory disease.

Ayon sa ulat ni Scottie Andrew ng CNN, mayroong di nagpakilalang tao na nagpabatid sa paaralan ng kalagayan ng naturang estudyante.

Dahil dito, agad na inalam ng pamunuan ng Westore HS ang kalagayan ng mag-aaral at doon nakumpirmang may COVID-19 nga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang makausap naman ng eskwelahan ang mga magulang ng estudyante sinabi nilang hindi maayos na naipaliwanag ng kanilang doktor ang kalagayan ng kanilang anak.

Paliwanag nila na dahil sa asymptomatic ito, inakala nilang limang araw lamang ang quarantine period nito na dapat daw ay 10 araw.

Dahil dito, balik quarantine ang estudyante at kung patuloy na itong hindi kakitaan ng sintomas, makapapasok na ito sa paaralan.

17 na mga kamag-aral ang na-expose sa kanya ngunit dahil sa mga safety protocols na pinatutupad sa kanilang paaralan, umaasa silang hindi naman nahawa ang mga ito.

Samantala sa ating bansa, inurong na ang orihinal na petsa ng pasukan na dapat sana ay sa Agosto 24.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Education na Oktubre 5 na ang opisyal na simula ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ay upang mas mapaghandaan ang mga guro at maging ng mga magulang ang napipintong pagbabalik pag-aaral ng mga estudyante.

Nilinaw din ng kagawaran na hindi nila pahihintulutan ang face-to-face classes sa mga paaralan hangga't wala pang vaccine na makapupuksa sa COVID-19. Ito ay aprubado maging ng Palasyo ng Malacañang para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Blended learning ang pamamaraang gagamitin ng mga mag-aaral kung saan online classes, TV/radio at learning manuals ang susuporta sa kanilang pag-aaral sa paggabay ng kanilang mga guro gayundin ng kanilang mga magulang.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel