Lakas ng lindol sa loob ng simbahan, sapul sa video habang nagdadasal ang mga tao
- Niyanig nang malakas na lindol ang iba’t-ibang parte ng Visayas nitong Martes ng umaga
- Kita nga sa isang video ang pagyanig habang nagdadasal ang mga tao sa loob ng simbahan
- Subalit, hindi naman natinag ang mga deboto rito at nagpatuloy lang sila sa dasal
- Marami rin ang nasugatan at nasirang gusali dahil sa lakas ng lindol
- Ayon sa PHIVOLCS, nasa magnitude 6.5 ang lindol at inaasahan ang aftershock dito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nitong Martes ng umaga ay isang malakas na lindol ang naramdaman sa iba’t ibang parte ng Visayas.
Nalaman ng KAMI na sapul nga sa isang video sa social media ang kaganapan sa isang simbahan habang lumilindol.
Ayon sa video na ibinahagi ng Brgy. Sta. Monica OtonIloilo sa Facebook, makikita ngang gumagalaw na ang chandelier sa loob ng simbahan ng Sta. Monica Parish sa Iloilo dahil sa lakas ng lindol.
Subalit, hindi naman natinag ang mga deboto rito at nagpatuloy lang sa pagdadasal. Nagsasagawa ng Novenario ang mga taga-simbahan nang maramdaman nila ang pagyanig.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon sa PHIVOLCS, nasa magnitude 6.5 ang lindol na naitala sa Masbate nitong alas-8 ng umaga. Matinding pinsala naman ang iniwan ng lindol na ito, lalo na sa mga nasa Visayas.
Noong isang araw, Linggo, isang malaking oarfish naman ang natagpuan sa Agusan del Norte. Hinala ng mga netizens, may kinalaman ito sa matinding lindol na nangyari sa Visayas.
Sapul din nga sa video ang paggalaw ng tubig sa isang ilog nang mangyari ang lindol. Kita nga ang malalaking alon dito.
Isang retiradong pulis naman ang nabalitang pumanaw matapos ang malakas na lindol. Nasa higit 20 naman ang nasabing nasugatan dahil sa pagyanig na ito.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh