Ilang artista, itinigil na umano ang suporta sa pagpapagamot ni John Regala

Ilang artista, itinigil na umano ang suporta sa pagpapagamot ni John Regala

- Naglabas ng opisyal na pahayag ang grupo ng mga artistang nagmalasakit sa kapwa nila aktor na si John Regala

- Ito ay lumabas, ilang araw na ma-discharge sa ospital ang action star at patuloy na nagpapagaling sa kanyang tahanan

- Sa pahayag ng grupo, nilinaw nila ang dahilan ng desisyon nilang itigil ang pagtulong sa aktor

- Binanggit din nila na ang lahat ng nalikom para sa pagpapagamot sa aktor ay ipauubaya nila sa sinoman ang susunod na magmamalasakit na suportahan ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang artista, itinigil na umano ang suporta sa pagpapagamot ni John Regala

Si John Regala kasama sina Nadia Montenegro, Aster Amoyo at Lisa Diño-Seguerra (Photo from Lisa Diño-Seguerra Facebook)
Source: Facebook

Nakagugulat na pahayag ang inilabas nina Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro, Lisa Diño-Seguerra at ng kolumnistang si Aster Amoyo matapos na tuldukan ang pagtulong na ginagawa nila sa action star na si John Regala.

Matatandaang sila ang mga artistang unang sumaklolo kay John mula nang mag-viral ang kanyang larawan na humihingi ng tulong sa Pasay City.

Nalaman ng KAMI na naglabas na umano ng official statement ang grupo patungkol sa kanilang napagkasunduang desisyon na itigil na ang suporta sa pagpapagamot ng aktor.

Sa Facebook page ng dating aktor na si Chuckie Dreyfus, nilahad ng grupo ang rason kung bakit bigla na nilang ititigil ang pagtulong kay John.

Nilarawan nila ang action star na "very uncooperative and difficult individual.”

Sinabi rin sa pahayag na mayroon ding "terrible habit of constant and abusive self-medication" ang aktor bagay na hindi na nila kayang mapigilan pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“And so, it is with deep sadness that our group has come to the decision to formally end our involvement in helping John with his medical treatment, care, and recovery,” ayon pa sa kanilang pahayag.

At kahit gustuhin pa nilang tulungan ang aktor, imposible na raw nila itong ipagpatuloy pa.

Maging ang crowdfunding page para kay John ay sarado na at ang mga nalikom na pera ng grupo ay ipauubaya na nila sa sinomang susunod na magmamalasakit sa aktor.

Maging ang kabuuang halaga na nalikom at mga nagastos gamit ito ay ibibigay na rin kay John para sa kanyang kaalaman.

“John’s health problems are still far from over, and we can only hope and pray that he eventually listens to the advice of doctors and people who love and care for him,” dagdag pa ng grupo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan na pahayag ng grupo:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo nang mag-viral ang larawan ng kilalang aktor na si John Regala matapos na pagmalasakitan itong tulungan ng delivery rider.

Mula noon, dinagsa na siya ng tulong at isa na roon ang grupo ng mga nabanggit na artista.

Maging ang dati niyang misis na nasa Amerika ay patuloy pa ring nagpapaabot ng tulong sa aktor. Katunayan, ikinuha pa niya si John ng personal assistant na siyang tututok dito habang nagpapagaling.

Kasalukuyan nang nasa kanyang tahanan ang aktor at patuloy na nagpapagaling matapos ang walong araw na pamamalagi sa ospital.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel