Ibang level! Legit, nag-adjust pa sa kondisyon ng kabit ni mister

Ibang level! Legit, nag-adjust pa sa kondisyon ng kabit ni mister

- Matinding "bakbakan" ang naganap sa isang episode ng 'Raffy Tulfo in Action' matapos magbangayan ang dalawang ginang

- Nangyari ito matapos ireklamo ni misis ang kabit ng kanyang mister

- Ayon sa sumbong ni misis, pinagbabawalan daw ni kabit ang kanyang mister na umuwi sa kanya

- Ito ay sa kabila raw nang kanyang pagpayag na magkaroon sila ng schedule para makasama ang lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matinding "bakbakan" ang naganap sa isang episode ng programa ni Raffy Tulfo kamakailan matapos ireklamo ng isang ginang ang kabit ng kanyang mister.

Ayon sa sumbong ni Cristina Laxamana, pinagbabawalan umano ng inirereklamo nitong si Jenny Vital ang kanyang mister na umuwi sa kanila.

Ito ay sa kabila ng kanilang kasunduan na ang mister na si Albert Laxamana ay mananatili sa piling ni Jenny sa araw at sa kanya pa rin ito uuwi sa gabi.

Kwento ni Cristina, dati siyang overseas Filipino worker (OFW) kung kaya nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa at nagkaroon ng limang anak.

Ganunpaman, hindi raw niya inisip na ireklamo ang mga ito alang-alang sa mga anak nito at sa halip ay nakipagkasundo sa mga ito sa barangay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero depensa ni Jenny, wala raw katotohanan ang mga bintang sa kanya ni Cristina. Pinauuwi na rin daw niya si Albert kay Cristina upang makaiwas sa eskandalo sa tuwing susugod ito sa kanila.

Pinasinungalingan din ni Jenny ang paratang ni Cristina na pinagbabantaan niya si Albert kapag uuwi ito sa misis.

Maging si Albert ay itinanggi rin ang mga akusasyon ng kanyang misis at deretso pang sinabi kay Raffy Tulfo na hindi na niya gustong makisama sa asawa.

Ngunit hindi pumayag si Cristina at sinabing handa siyang kasuhan ang dalawa sakaling hindi masunod ang kanilang pinag-usapan.

Aniya, nais lamang niya na makasama ang mister sa kanilang bahay bilang padre de pamilya.

Samantala, ayon naman sa isang abogado, maaari pa ring makulong sina Albert at Jenny kapag nagsampa ng kaso si Cristina kahit pa nagkapirmahan na ang mga ito sa barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW din ang lumapit kay Tulfo para ireklamo ang misis na nabuntis na pala ng iba!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel