Wuhan pool party na naganap kamakailan, agaw-eksena sa social media

Wuhan pool party na naganap kamakailan, agaw-eksena sa social media

- Ikinagulat ng marami ang mga kumalat na larawan ng 'Wuhan pool party' na naganap noong Sabado, Agosto 15

- Kapansin-pansing wala nang mask, wala nang social distancing at dinumog talaga ng maraming tao ang naturang party

- Tila balik sa normal na nga raw ang sinasabing pinagmulan at episentro ng coronavirus disease 2019

- Abril pa ng kasalukuyang taon na-lift ang kanilang mga lockdown at restrictions konta COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wuhan pool party na naganap noong Agosto 15, agaw eksena sa social media

Hubei Province (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Agaw-pansin sa social media ang mga larawang kuha sa naganap sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa China.

Nalaman ng KAMI na labis na ikinagulat ng marami ang mga larawan dahil tila balik na sa normal ang pamumuhay ng tao roon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kuha ang mga larawan sa ginanap na pool party sa Wuhan kung saan nakababad sa malaking swimming pool ang mga tao habang nanonood ng mga nagpe-perform sa entablado.

Hindi na mask ang suot ng mga dumalo kundi ang kanilang mga swimwear.

Wala na ring social distancing dahil magkakadikit ang mga tao na halos mapuno na ang pool sa mga nga naki-party.

Matatandaang, Abril lamang nang matanggal sa lockdown ang Wuhan maging ang mga restrictions na kanilang isinagawa bilang pag-iingat sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Base sa panayam ng Agence France-Presse kay Hu Zeyu, isang empleyado sa isang local real estate company, hindi pa naman nila masasabing nakabalik na nga sila talaga sa normal.

Hindi pa rin lahat ng mga negosyo sa kanilang lugar ay nabuksan kaya naman ramdam pa rin nila ang pagbabago sa kanilang ekonomiya.

Samantala, ang ilang mga kalapit lugar ng Wuhan ay patuloy pa ring nagsasagawa ng mga pag-iingat sa virus.

Kahit na nagdala ng matinding trauma ang coronavirus disease 2019, masasabing unti-unti na raw nakakabangon ang mga taga-Wuhan na pinaniniwalaang pinagmulan ng virus na ito bago matapos ang taong 2019.

Narito ang ilan pang larawan mula sa pool party na binahagi rin ng Inquirer:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kahuli-hulihang tala ng worldometer, may kabuuang bilang na 84,849 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa China.

Mapapansin ding 22 na lamang ang karagdagang kaso nila na malayong-malayo na sa mga libo-libong nadadagdag pa sa ibang bansa tulad na lamang sa ating bansa.

Ito marahil ang dahilan kung bakit unti-unti nang bumabangon ang China partikular na ang Wuhan na bahagi ng Hubei province.

Samantala, sa Pilipinas, Enero ngayong taon nang maitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 na isang Chinese national mula mismo sa Wuhan na episentro ng virus noon.

Sa ngayon umabot na sa mahigit 150,000 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Patuloy pa ring sumasailalim sa community quarantine ang iba't ibang lugar sa bansa at isinasagawa pa rin ang mga safety protocols dahil sa patuloy na paglaganap ng naturang virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel