62-anyos na GF, nais pakasalan ng 27-anyos na nobyong karelasyon sa loob ng 5 taon

62-anyos na GF, nais pakasalan ng 27-anyos na nobyong karelasyon sa loob ng 5 taon

- Viral ang video ng magkasintahang sina Marcela at Daniel na may 35 na taong pagitan sa edad

- Nagsimula raw sa pagiging mag-textmates ang dalawa hanggang sa nahulog na ang loob sa isa't isa

- Sa una ay natatakot na aminin ni Marcela ang totoo niyang edad kay Daniel ngunit dahil totoong pag-ibig ang kanilang nararamdaman, wala raw nagbago sa kanila hanggang sa sila'y nagsama

- Balak pa raw sana nilang magpakasal ngunit dala ng problemang pinansyal, pinagpaliban na lang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

62-anyos na GF, nais pakasalan ng 27-anyos na nobyong karelasyon niya sa soob ng 5 taon

Marcela at Daniel (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Napa-sana all ang mga nakakita ng viral video nina Marcela at Daniel na sweet na sweet sa isa't isa.

Nalaman ng KAMI na kaya naman agaw eksena ang video ng dalawa ay dahil na rin sa agwat ng kanilang edad.

62-anyos na si Marcella habang ang kanyang kasintahan naman na si Daniel ay 27 lamang.

Dati raw ka-textmate ni Daniel ang kapitbahay ni Marcela. Ngunit hindi alam ng lalaki na ipinasa na pala siya nito kay Marcela.

Mula noon, sila na ang magkatext at masasabi naman nilang masaya sila sa tuwing sila ay nagkakausap, araw-araw.

Makalipas ang ilang buwang pagiging magtextmate, nagdesisyon na silang magkita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Aminado si Marcela na nakaramdam siya ng takot na baka hindi matanggap ni Daniel na halos ka-edad na niya ang nanay nito.

Lalo pa at oras ang hinintay ni Marcela sa kanilang tagpuan ni Daniel, inakala niya talagang hindi na ito sisipot.

At nang sila na nga ay nagkita, mas napatunayan nilang tunay na pag-ibig ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.

Limang taon nang nagsasama sina Marcela at Daniel at wala naman daw silang nagiging problema sa kanilang pagsasama maliban na lamang sa nadadalas na pag-iinom ng lalaki.

Nais na nga raw pakasalan ni Daniel si Marcela ngunit dala ng kahirapan sa buhay, ipinagpapaliban nila ito at wala raw sila panggastos para rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na naibahagi rin ng KMJS, matapos na mag-viral ang kanilang video:

Marami ang humanga sa kakaibang kwento ng pag-ibig ng nina Daniel at Marcela na masasabi nilang 'true love' dahil hindi naging hadlang ang kanilang itsura at edad.

Wala nga raw talagang pinipiling edad ang mga tunay na nag-iibigan. Tulad nina Marcela at Daniel, may ilan pang mga nagmamahalan at nagsasama na kahit malaki ang agwat ng kanilang edad, mananatiling numero lamang ito dahil mas nangingibabaw ang pag-ibig at respeto nila para sa isa't isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel