Steve Dailisan, muling nakahanap ng trabaho sa isang airline

Steve Dailisan, muling nakahanap ng trabaho sa isang airline

- Matapos ibahagi ang malungkot na balitang kabilang siya sa mga nawalan ng trabaho, masayang ibinahagi ni Steve Dailisan na hired na siyang muli

- Matatandaang ibinahagi niyang nawalan siya ng trabaho bilang piloto sa isang airline company kamakailan lang

- Nanatiling positibo ang pananaw ni Steve sa kabila ng mga nangyari sa kanya bunsod ng epekto ng pandemya

- Si Steve ay dating GMA News reporter at documentarist at naging lesinsyadong piloto noong April 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinalita ng dating GMA news reporter na si Steve Dailisan na mayroon na uli siyang trabaho sa isang airline.

Suot ang kanyang pulang AirAsia jacket, isinapubliko ni Dailisan ang tungkol sa panibagong oportunidad na kanyang natanggap.

“A few months ago, I thought it was the end of my much-loved aviation career. Tears were shed and so the vision turned blurry,” aniya na tumutukoy sa kanyang pagkatanggal bilang isang piloto sa dating airline na kanyang pinagtrabahuhan.

Steve Dailisan, muling nakahanap ng trabaho sa isang airline

Air Asia (Photo by Artur Widak/NurPhoto via Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, dahil sa nangyari, naisip niyang bumalik na lamang sa broadcast journalism ngunit dumating ang panibagong oportunidad para sa kanya kung saan patuloy niyang magagamit ang kanyang corporate communication skills.

Pinalalahanan niya ang mga kagaya niyang nawalan ng trabaho na huwag mawalan ng pag-asa at laging manalig at manalangin.

"And for everyone who lost their dream job, their nurtured businesses, their family member or anything precious during this difficult time, just hang in there! You will definitely find your way back! PRAY and BELIEVE that a new opportunity awaits."

Bumuhos ang mga pagbati mula sa mga netizens para sa dating news reporter.

Si Steve Dailisan ay dating GMA News reporter na naging World Silver Medalist sa 2014 New York Festival. Nakilala din siya sa kanyang dokyumentaryong “Kicks of Hope” (Sipa ng Pagasa) para sa Brigada.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa pagiging piloto ni Steve Abril noong nakaraang taon. Matapos maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa pandemya, naging online seller siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel