PWD, masipag na naglalako ng face shield at alcohol

PWD, masipag na naglalako ng face shield at alcohol

- Hinangaan ang isang PWD na matiyagang naglalako ng face shield at alcohol

- Hindi hadlang ang kanyang kalagayan upang siya ay maghanapbuhay sa gitna pa ng pandemya

- Ayon sa kanyang supplier, masipag daw talaga ang PWD na ito kaya naman binibigyan niya ito ng mapagkakakitaan

- Umani sila ng papuri mula sa mga netizens dahil sa kahanga-hanga ang pinamamalas nilang ugali kahit dumaraan tayo sa matinding krisis na dala ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PWD, masipag na naglalako ng face shield at alcohol

Paninda ni Kuya Darwin (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Viral ang larawan ng isang PWD na matiyagang naglalako ng face shield at alcohol.

Ang mga ito kasi ay maituturing na mga pangunahing pangangailangan ngayon sa panahon ng pandemya.

Lalo na at mula noong Agosto 15, obligado na ang mga mamamayan lalo na ang mga commuter at nagtatrabaho na magsuot ng face shield bukod sa suot na face mask.

Kaya naman binigyan ng netizen na si Jacklyn Hidalgo ng pagkakitaan ang person with disability na tinatawag niyang "Kuya Darwin" na kumita sa pagbebenta ng mga proteksyon sa COVID-19.

Ayon kay Jacklyn, reseller niya si Kuya Darwin. Naglalako ito malapit sa police station ng kanilang lugar kaya hinihikayat ni Jacklyn sa makakakita kay Kuya Darwin na bumili rito.

Napakalaking tulong na raw ito para sa PWD na kinakitaan niya ng kasipagan lalo na sa panahon ngayong dumaranas tayo ng matinding krisis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mapapansing wala siyang mga braso at maliliit ang kanyang mga binti ngunit sinisikap pa rin niyang magtrabaho ng marangal.

"Isipin niyo na lang po tulong niyo sa kanya. Nakaka-proud po iyan siya. Masipag po sa kabila ng kalagayan at pandemic. Ipinapaalala po niya sa inyo kung gaano kayo kaswerte sa buhay. Sisipagin kayong tiyak sa buhay pag nakita nyo sya," ang bahagi ng viral post ni Jacklyn.

Hinangaan ang mga katangiang pinakita nina Jacklyn at Darwin lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

Marami ang bumilib kay Jacklyn dahil sa pagbibigay nito ng mapapagkakitaan ni Darwin at ang PWD naman ay dahil sa kanyang abilidad at diskarte sa buhay.

Nakakabilib ang mga taong tulad ni Kuya Darwin na noon pa ma'y hirap na sa kalagayan ngunit mas lalong pinahirapan ng pandemya pero hindi pa rin sumusuko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patunay lamang na sa kabila ng kanyang kalagayan, kaya niyang mamuhay ng marangal at kaya niyang buhayin ang sarili nang di umaasa sa iba.

Tulad na lamang ng iba pang mga PWD na kahit hirap sa kanilang sitwasyon ay patuloy pa ring naghahanapbuhay lalo na at mayroon silang pamilyang binubuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel