Atty. Larry Gadon, hindi naniniwalang kailangang magsuot ng mask pag nasa labas

Atty. Larry Gadon, hindi naniniwalang kailangang magsuot ng mask pag nasa labas

- Nagsalita na sa wakas ang abogadong si Atty. Larry Gadon hinggil sa isyung kanyang kinasangkutan

- Matatandaang nag-viral ang mga litrato niya dahil sa kakaibang paraan niya ng paggamit ng face mask

- Aniya, hindi siya naniniwalang kailangan magsuot ng face mask lalo kung nasa labas naman at wala sa isang kulob na lugar

- Hindi siya kumbinsidong makakapigil sa pagkalat ng COVID-19 ang pagsuot ng face mask sa kabila ng mga paalala ng mga eksperto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Atty. Larry Gadon ang kanyang dahilan kung bakit kakaiba ang paraan ng pagsuot niya ng face mask na makikita sa mga nag viral na litrato niya kamakailan.

Hindi niya sinuot ang face mask kundi nakadikit ito sa kanyang suot na face shield.

Aniya, hindi siya naniniwalang makakatulong ang pagsuot ng mask upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

“I don’t believe in mask outdoors, face shield is okay. Masks may be good for small enclosed places like elevators or small conference rooms,” aniya sa isang pahayag.

Sa isang ulat na inilabas ng Inquirer, kinuwestiyon niya kung paanong lumobo ang bilang ng kaso ng COVID kahit gumagamit ang lahat ng face mask.

Atty. Larry Gadon, hindi naniniwalang kailangang magsuot ng mask pag nasa labas

Photo by Amphol Thongmueangluang/SOPA Images/LightRocket via Getty
Source: Getty Images

“In my case, the mask is only for a show because stores will not allow entry if you don’t have mask. If mask is really effective, how come there are more than 100,000 people afflicted with COVID? And more than 2,000 dead victims?” aniya.

“COVID is curable at the onset when symptoms are felt. One should only take the traditional Chinese medicine,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“The government has overreacted to the COVID paranoia.”

Dagdag pa niya, sa halos 20 ospital na kanyang napuntahan upang magbigay ng donasyon, tinatanggal niya ang kanyang face mask upang mapagbigyan ang nais makasama siya sa mga litrato. Gayunpaman, hindi naman umano siya nagka-COVID.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lorenzo “Larry” Gacilo Gadon ay ang dating legal counsel ni former President Gloria Arroyo. Tumakbo siya bilang senador sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) noong 2016 ngunit hindi pinalad na manalo. Inihayag niyang naniniwala siyang nadaya umano siya noong 2019 elections.

Noong 2017, isa siya sa nagsampa ng reklamo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Matatandaang lumabas din ang balitang balak ni Gadon na magsampa ng impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel