Dominic Ochoa, personal na nagde-deliver ng kanilang paninda ngayong quarantine

Dominic Ochoa, personal na nagde-deliver ng kanilang paninda ngayong quarantine

- Nagbahagi ng isang home tour ang Kapamilya actor na si Dominic Ochoa kung saan ipinasilip niya ang kanyang koleksiyon

- Kabilang sa kanyang car collection ay isang 1968 Volkswagen Beetle convertible, 1978 Ford Escort at isang 1995 all-original Range Rover

- Ibinunyag din ni Dominic na napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na magnegosyo upang magkaroon ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya

- Kahit sa malapit lamang ang kanilang mga customer, ang aktor umano mismo ang nagde-deliver ng kanilang mga paninda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang online show ng Star Magic na tinatawag na Welcome Kayo Dito, ibinahagi ng aktor na si Dominic Ochoa ang isang house tour.

Nanirahan ang kanilang pamilya sa nasabing bahay sa loob ng apat na taon na.

Makikita din sa nasabing video ang ilan sa mga produktong itinitinda ng mag-asawa na kanilang sinimulan nang magpatupad na ng quarantine protocols dulot ng COVID-19 crisis.

Ilan sa mga itinitinda nila ay prutas, dips, ice cream, wagyu, at gourmet tinapa jars. Personal na nagde-deliver ang aktor sa kanilang ka-village.

Napag-isipan umano nilang mag-asawang mag business upang kahit hindi pumunta sa ibang lugar ay maging productive pa rin sila.

Dominic Ochoa, personal na nagde-deliver ng kanilang paninda ngayong quarantine

Dominic Ochoa (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket via Getty Images)
Source: Getty Images

“’Pag nag-sosocial media kami, it’s more of promoting the products that we’re selling. Pero ito nga, kahit dito-dito lang namin sa’min binebenta, kami po ay nagdedeliver … ako mismo nag-dedeliver. We chose to be productive. Hindi naman pwede ‘yung puro na lang tayo angal kasi hindi naman tayo tutulungan ng Diyos kung hindi natin tutulungan ang ating sarili,” aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ding uri ng halaman ang makikita sa kanilang tahanan. Kabilang sa kanyang car collection sa kanilang garahe ay isang 1968 Volkswagen Beetle convertible; 1978 Ford Escort; 1995 all-original Range Rover; ang kanyang 2018 Vios Cup car; at ang kanyang sasakyan noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jose Madrigal Ochoa, o mas kilala sa kanyang screen name na Dominic Ochoa ay isang Pinoy aktor na kabilang sa mga Star Magic artists bilang bahagi ng batch 4. Ang kanyang kasalukuyang manager ay ang award-winning talk show host na si Boy Abunda.

Dati siyang napabilang sa grupong Whattamen kasama si Marvin Agustin at ang yumaong si Rico Yan.

Bumida si Dominic sa Kapamilya show na Super D.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel