Frontliner na di iniinda ang sakit, malubha na pala ang lagay kaya't agad na pinutulan na ng binti

Frontliner na di iniinda ang sakit, malubha na pala ang lagay kaya't agad na pinutulan na ng binti

- Napakabilis ng pangyayari para sa isang nurse sa United Kingdom na naputulan ng mga binti

- Nagsimula lamang ito sa pananakit ng kanyang mga binti na inakal lang niyang dahil sa tagal ng kanyang serbisyo sa ospital bilang frontliner

- Hindi niya alam, malubha na pala ang kanyang lagay kaya naman ilang buwan lamang ang lumipas, kinailangang tanggalin na agad ng kanyang kanang binti

-Ito lamang daw kasi ang paraan para maisalba ang kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Frontliner na di iniinda ang sakit, malubha na pala ang lagay kaya't agad na pinutulan na ng binti

Medical frontliner (Photo from Rawpixel)
Source: UGC

Dahil sa determinasyon niyang makatulong sa ibang tao lalo na sa panahon ng pandemya, hindi na nagawa pang uminda sa sakit ng 26-anyos na nurse na naputulan ng kanang binti.

Nalaman ng KAMI na noon pang Abril naramdaman ng frontliner sa United Kingdom na si Sette Buenaventura ang pananakit ng kanyang binti na inakala niyang dahil sa pagod sa kanilang ginagawa sa ospital.

Kwento ni Sette sa panayam sa kanya ng BBC News, tumatagal ng nasa 12 oras ang kanilang shift sa Salford Royal Hospital lalo na nang lumanagap ang COVID-19.

"You forget about your own pains because you’re busy helping other people... but everything comes at a cost," pahayag ni Sette.

Naramdaman niyang tila nahihirapan na rin siyang maglakad ngunit inakala niyang dahil sa matagal siyang nakatayo sa ospital kaya patuloy pa rin ang kanyang pagpasok.

Halos ilang linggo niyang tiniis ang sakit hanggang sa pumatak ang Mayo nang siya ay komunsulta na sa eksperto at doon napag-alamang may sarcoma na siya.

Ito ay isang uri ng tumor na sa kaso ni Sette ay lumaki na ng tulad sa isang 'golf ball.'

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap pa rito, hindi ito basta matatangal at kinailangan pang tanggalin ang kanyang binti.

Ito na lang din ang natitirang paraan para maisalba niya ang buhay sa cancerous tumor na tumubo sa kanya.

Aminado mang hirap siyang tanggapin sa kanyang sinapit ngunit nanatili pa rin siyang positibo sa buhay.

Sa ngayon, nagbigay pag-asa kay Sette ang pagkakaroon ng prosthetic limb upang kahit na paano'y maging normal pa rin ang kanyang paglalakad.

Sa Nobyembre, inaasahang makakabalik na muli sa serbisyo si Sette upang muling makatulong sa pagpapagaling ng mga taong may karamdaman.

Narito ang video mula sa Godhuli News BD YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patunay lamang ito na ibinubuhos lahat ng ating magigiting na mga frontliners ang kanilang makakaya upang maipanalo lamang ang laban nating kontra COVID-19.

Tulad ni nurse Sette, na hindi iniida ang sakit para lamang maipagpatuloy ang pagtulong sa iba, ang ilang frontliners naman ay tinatamaan na ng virus ngunit matapos na gumaling ay patuloy pa ring nagsisilbi sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Kaya naman nakalulungkot isipin na sa kabila ng mga sakripisyo nilang ito, nakararanas pa rin ang ilan sa kanila ng diskriminasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel