Ogie Diaz, ibinahaging 3 TV network ang nagpakita ng interes upang makuha ang Lizquen

Ogie Diaz, ibinahaging 3 TV network ang nagpakita ng interes upang makuha ang Lizquen

- Ibinhagi ni Ogie Diaz na tatlong TV network umano ang nagpakita ng interes na makuha ang Lizquen

- Kabilang na dito ang GMA, TV-5 at Viva ngunit priority umano nina Liza Soberano at Enrique Gil ang ABS-CBN sa kasalukuyan

- Kapag wala umanong maibigay na proyekto ang ABS-CBN sa kanila at pinayagan silang magtrabaho sa ibang network ay saka lamang nila iyon pag-iisaipan

- Ang Lizquen ay kilala bilang isa sa mga pinakasikat na love team sa kasalukuyan kasama na ang KathNiel at JaDine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ni Ogie Diaz na tatlong TV networks kabilang ang GMA, TV-5 at Viva ang nagpakita ng interes sa tambalang Lizquen na binubuo nina Liza Soberano at nobyo nito sa totoong buhay na si Enrique Gil.

Gayunpaman, priority umano nila sa kasalukuyan ang Kapamilya network kung saan unang nakilala at nabuo ang nasabing tambalan.

Ani Ogie, maaaring lumipat ang dalawang Kapamilya stars kung sakaling wala na talagang maibigay na proyekto ang Kapamilya network at kung papayagan sila.

Ogie Diaz, ibinahaging 3 TV network ang nagpakita ng interes upang makuha ang Lizquen

Liza Soberano (Photo from Flickr)
Source: UGC

Gayunpaman, nilinaw niyang malaki ang posibilidad na manatiling Kapamilya ang dalawa dahil mas priority nila ang ABS-CBN.

“GMA expressed their interest, saka TV5, at saka ‘yung Viva. Nagbigay sila ng kanilang interest in LizQuen... Pero s’yempre, priority namin muna ang ABS-CBN. ‘Pag wala na talagang maibigay ang ABS-CBN at in-allow naman silang lumipad sa ibang bakuran, e doon pa lang kami magko-consider (na lumipat)," ani Ogie na manager ng aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Namataan si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Si Enrique Mari Bacay Gil V, o mas kilala bilang si Enrique Gil, ay pinanganak sa Cebu City. Spanish ang kanyang ama habang mix naman ng Filipino, German at Spanish descent ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pinsan niya si Paul Salas at related din siya sa Kapuso star na si Dingdong Dantes.

Matatandaang muling napabilang sa pinakamagagandang babae sa buong mundo si Liza Soberano kamakilan.

Sa kabila ng kasikatan ay minsan nang nabanggit ng aktres na ninais niyang lisanin ang showbiz.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel