Sharon Cuneta, may pasilip sa eleganteng bahay na kanyang ipinapatayo

Sharon Cuneta, may pasilip sa eleganteng bahay na kanyang ipinapatayo

- May ibinahaging video ng kanyang pinapagawang bahay ang Megastar na si Sharon Cuneta para sa kanyang mga followers

- Sa nasabing bahay, masayang ibinahagi ni Sharon na magkakaroon na ng sariling tirahan ang mga alagang aso

- Nilinaw naman ni Sharon na computer-generated pa lamang ito kaya hindi iyon ang eksaktong itsura ng kanilang bahay

- Nangako naman siya na magbabahagi uli siya ng house tour kapag natapos na ang ipinapagawang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ng Megastar na si Sharon Cuneta ang isang pasilip sa kanyang ipinapatayong bahay gamit ang isang 3D architectural animation.

Ibinalita niyang magkakaroon na rin ng sariling tahanan ang kanilang aso hindi kagaya ng kasalukuyan nilang set-up kung saan kasama nila sa bahay.

“This is one of the areas I am most excited about over the new house we are building. My little doggies here in our condo now are staying in the main house with us. But my Chow Chow Mochi, KC’s Chow Chow Po, KC’s ShihTzu Grandpa, and Kakie’s Beagles Bea and Cupcake are ‘coming home’ with us to the new house. And so they will have their own,” aniya sa kanyang Instagram post.

Sharon Cuneta, may pasilip sa eleganteng bahay na kanyang ipinapatayo

Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg via Getty Images)
Source: Getty Images

Nilinaw niyang hindi eksaktong magiging kapareho sa tunay na itsura ng kanilang bahay ang nasa video dahil computer-generated lamang ang mga nasa video na kanyang ibinahagi.

Balak din niyang palagyan ng grooming area at dog run na may kasamang playground ang kanyang ipinapatayong bahay dahil nais niya umanong mag breed ng aso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya ang dahilan kung bakit hindi niya maibahagi ang kabuuan ng nasabing video.

“I am sorry I can’t show you the whole video of the house. When I posted here on IG my Architect’s renderings/parang photos na-of my then new house, one day I was surfing the net and nagulat ako may binebenta na na eksaktong design ng bahay namin pero mas maliit! I changed everything. And I reduced the size of the floor area,” paliwanag niya.

Nangako naman si Sharon na gagawa siya ng house tour sakaling matapos na ang pagpapagawa sa kanyang bahay.Gayunpaman, mukhang matatagalan umano ang paggawa ng bahay dahil sa COVID.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sharon Cuneta ay isang popular na mang-aawit, aktres, TV host at naging hurado din ng mga talent show sa bansa. Ikinasal siya kay Senator Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay naghayag ng saloobin ang aktres kaugnay sa isang post tungkol sa kanyang panganay na si KC COncepcion.

Naging usap-usapan din ang kanyang pagbukas ng sariling online show kasunod ng pagsasara ng ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel