Jennylyn Mercado, nagpasalamat kay Dennis Trillo sa birthday surprise nito para sa anak

Jennylyn Mercado, nagpasalamat kay Dennis Trillo sa birthday surprise nito para sa anak

- Pinasalamatan ni Jennylyn Mercado ang nobyong si Dennis Trillo para sa pagsorpresa nito sa anak ni Jen na si Alex Jazz

- Nagdiriwang ng kanyang ika-12 kaarawan ang anak ni Jennylyn sa dating karelasyon na si Patrick Garcia

- Nagsuot ng Blippi attire si Dennis para sorpresahin si Alex Jazz at marami ang natuwa sa effort na ito ni Dennis

- Marami sa mga followers ni Jen at mga kaibigan ang nagpaabot ng pagbati para sa kaarawan ng unico hijo ng Kapuso actress

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa sa Instagram post na ibinahagi ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. Sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak na si Alex Jazz, nagsuot pa ng Blippi attire ang karelasyon ng aktres.

Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan ni Jennylyn si Dennis Trillo sabay pagbahagi ng litrato ng kanyang anak kasama ang aktor.

Bukod sa kanyang attire, makikitang hawak ni Alex Jazz ang isang bag na may nakalagay na litrato ni Blippi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Blippi ay isang YouTube content creator na nagbabahagi ng mga educational videos para sa mga bata.

Jennylyn Mercado, nagpasalamat kay Dennis Trillo sa birthday surprise nito para sa anak

Jennylyn Mercado (Photo from flickr.com/photos/danealegana/13780652395)
Source: UGC

Marami ang natuwa sa pagiging malapit ng aktor sa anak ni Jennylyn kahit hindi niya ito tunay na anak. Si Alex Jazz ang anak ni Jen sa dating kasintahang si Patrick Garcia.

Si Patrick ay kasalukuyang may pamilya na rin.

Marami sa mga followers ni Jen at mga kaibigan ang nagpaabot ng pagbati para sa ika-12 kaarawan ng unico hijo ng Kapuso actress.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser.

Naging usap-usapan kamakailan ang matapang na pagbabahagi ng opinyon ng aktres hinggil sa ilang isyu. Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nila Arnell at Jennylyn.

Naging viral din kamakailan ang post ng Kapuso star hinggil sa SONA ni Pangulong Rody Duterte.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel