COVID-19 recoveries, mahigit 40,000 ang naitala ngayong araw

COVID-19 recoveries, mahigit 40,000 ang naitala ngayong araw

- Lampas 40,000 ang naitalang mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw

- Dahil dito mayroon nang kabuuang bilang na 112,586 ang mga survivor ng COVID-19 sa Pilipinas

- Gayunpaman, mahigit 3,000 na naman ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus ngayong araw kaya't umabot na sa mahigit na 160,000 ang mga naitalang may COVID-19 sa bansa

- Ipinatutupad na rin ang pagsusuot ng face shield bilang karagdagang proteskyon sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 recoveries, lampas 40,000 ang naitala ngayong araw

Empty hospital beds (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Mahigit 40,000 ang nai-ulat na mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Agosto 16.

Nalaman ng KAMI na kamakailan ay nagbigay babala na ang Department of Health kaugnay sa mataas na bilang ng mga recoveries sa bansa ngayong linggo.

40,397 ang mga dumagdag sa naka-recover sa COVID-19 na siyang bumuo sa bilang na 112, 586 na mga survivors sa bansa.

Samantala, 3,420 naman ang karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw kaya naman umabot na sa 161,253 ang bilang ng confirmed cases.

Hindi pa rin matinag ang National Capital Region sa pagkakaroon ng pinakamaraming tinamaan ng virus na sinundan naman ng mga probinsya ng Laguna, Cavite, Batangas at Rizal na lahat ay bahagi ng Region 4.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kalapit na rehiyon lamang ito ng Metro Manila kaya marahil mabilis na kumalat din ang virus sa mga lugar na ito.

Kasalukuyan namang 46,002 na ang active cases dahil sa malaki ang nabawas at mga naka-recover.

mapapansing malaki ang bahagdan ng mild cases kaya naman karamihan ay mabilis na nakakarecover.

65 naman ang dumagdag sa bilang ng mga pumanaw kaya mayroon na itong kabuuang bilang na 2,665.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyan pa rin nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at inaasahan si Pangulong Duterte ang mag-aanunsyo ng magiging kapalaran ng rehiyon matapos ang Agosto 18.

Samantala, sinimulan na rin ang pagpaptupad ng pagsusuot ng face shields bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Bukod sa pagsusuot ng face mask, kinakailangang may suot na face shield ang mga commuter, nagtatrabaho o iyong mga pupunta sa pampublikong lugar.

Pinaniniwalaang isa itong mabisang paraan upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakahawa ng mga taong kailangang lumabas lalo na kung para ito sa kanilang hanapbuhay.

Kaya naman iminungkahi na saguting ng mga employer ang mga face shields na gagamitin ng kanilang mga empleyado.

Patuloy pa rin ang paalala ng DOH patungkol sa iba pang safety protocols tulad ng social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay o disinfection.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel