Call center agent na napabalitang may COVID-19, nagpaggawa ng tarpaulin

Call center agent na napabalitang may COVID-19, nagpaggawa ng tarpaulin

- Dinaan ng isang call center agent sa pagpapagawa ng tarpaulin ang pag-aanunsyo niya ng kanyang kalagayan

- Ito ay matapos na mapag-tsismisan siya sa kanilang lugar na mayroon daw siyang COVID-19

- Totoong nagpa-COVID-19 test ang agent ngunit lumabas na negatibo naman siya sa virus

- Kaya naman naisipan niyang magpagawa ng tarpaulin upang linawin at ipaalam sa lahat na negatibo siya sa kinatatakutang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Call center agent na nabalitang may COVID-19, nagpaggawa ng tarpaulin

Louise Zamora (Photo From Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang post ng isang call center agent sa Iloilo na nagkabit ng tarpaulin sa kanilang bahay na nag-aanunsyo na wala siyang COVID-19.

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapan sa kanilang lugar na mayroon siya ng naturang virus dahilan para bahagyang makaranas ng diskriminsayon ang kanilang pamilya.

Inamin naman ng agent na si Louise Zamora na nagpa-test umano siya at umugong ang balitang positibo siya sa virus, habang naghihintay sila ng resulta nito.

Kaya naman naisipan nilang magpagawa ng tarpaulin nang sa gayon ay mabawasan ang mga haka-hakang tinamaan siya ng COVID-19.

Nakapaskil ito sa balkonahe ng kanilang bahay kung saan makikita agad na 'negatibo' ang resulta ng COVID-19 test na isinagawa sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakalulungkot isipin na hindi lamang ang mga medical frontliners ang nakararanas ng diskriminsayon kundi ang mga mamamayang nagpositibo sa COVID-19 o di kaya naman ay tamang hinala lamang na tinamaan ng virus.

Subalit, mayroon din namang mga kapitbahay na mayroong mabubuting puso na imbis na pandirihan o katakutan, nagagawa pa nilang tumulong sa paraang makakaya nila sa mga COVID-19 patient na naka-home quarantine lamang.

Ang iba, dinadalhan pa ng pagkain ang mga kapitbahay na alam nilang tinamaan ng COVID-19.

Limitado kasi ang maaring makapagdala ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan nito kaya naman sila na malalapit at kalapit bahay lamang ang nagbibigay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ilan, may kalakip pang mga maiiksing mensahe ng pag-asa at pagsuporta sa mga pasyente. Kailangan nila ito lalo na at hindi lahat ay mauunawaan ang kanilang kalagayan.

Mayroon din naman napabalitang kapitbahay na nagpapadala na mismo ng mensahe sa COVID-19 patient kung nasa labas na ang pagkaing kanilang padala sa mga ito upang makuha agad.

Hangad ng karamihan na pamarisan na lamang ang pagtutulungang ipinamalas ng mga kapitbahay na ito nang sa ganun ay hindi na makaranas ng diskriminsayon ang tulad ni Louise lalo na at negatibo naman pala siya sa virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel