Anak ng nasa viral post tungkol sa inang iniwan sa may lababo, nagpaliwanag bakit ito nagawa

Anak ng nasa viral post tungkol sa inang iniwan sa may lababo, nagpaliwanag bakit ito nagawa

- Nagpaliwanag na ang anak ni Nanay Flordeliza na nasa viral post noong nakaraang buwan

- Ilang kapitbahay ang nagmalasakit kay Nanay Flordeliza matapos na iwan ito sa ilalmi ng lababo ng inuupahang bahay

- Aminado ang anak ni Nanay Flordeliza na may pagkukulang sila sa ina na nagawa nilang iwan nang walang saplot sa loob ng magdamag

- Dahil din sa kanilang nagawa, di naiwasang masisi ng ilang netizens at maakusahan na pabaya sila sa kanilang magulang

- Ngunit base sa pagbabantay o pagmo-monitor ng barangay, tila pinagsisisihan na nga talaga nina Mary Jane ang nagawa sa ina at maayos na raw itong naalagaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak ng nasa viral post tungkol sa inang iniwan sa may lababo, nagpaliwanag bakit ito nagawa

Nanay Flordeliza Lorenzo (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Inaksyunan na ni Raffy Tulfo ang kalunos-lunos na sinapit ni Flordeliza Lorenzo, ang ina sa viral post kung saan nagawa umano siyang iwan ng kanyang mga anak na walang saplot sa ilalim ng lababo.

Nalaman ng KAMI na ang netizen at uploader na si Kristine Vargas Tatad ang dating kapitbahay nina Nanay Flordeliza na nakakita sa kanyang kalagayan.

Kwento ni Krisitine, naglipat na ang pamilya ni Nanay Flordeliza ngunit natagpuan nila itong nasa ilalim ng lababo ng inalisang bahay na may takip lamang na plywood.

Ang masaklpa pa rito, walang saplot ang matanda kaya naman labis na nadurog ang puso nila sa kalagayan nito.

Agad nilang inalis si Nanay Flordeliza sa ilalim ng lababo upang malinisan at mapakain ng maayos.

Dahil din sa post, dinagsa ng tulong ang matanda at nahanap na rin ang mga anak nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang makapanayam ni Tulfo ang anak ni Nanay Flordeliza, aminado itong nagkaroon nga siya ng pagkukulang sa ina.

Hindi raw nila intensyong iwan ang ina at babalikan naman daw talaga nila ito. Nilinaw din niya sa programa ni Tulfo na hindi dalawang araw kundi magdamag lang nilang iniwan ang ina.

Ngunit ang tanong ng marami, bakit daw walang saplot nang iniwan ang ina, tila lalong na-guilty ang anak nang sabihing dahil sa naglipat sila at wala nang damit na naiwan sa bahay, hindi na niya ito nadamitan.

Makalipas ang halos isang buwan mula ng maganap ang insidenteng ito, pinasubaybayan din ni Tulfo sa barangay ang pag-aalaga ni Mary Ann sa ina.

Base sa obserbasyon ng barangay, maayos na raw na naalagaan si Nanay Flordeliza ng kanyang mga anak.

Malaking bagay din may nagpapaabot ng tulong sa matanda. Isa rin sa mga hakbang na gagawin ng barangay sa tulong ng lokal na pamahalaan ay ang pagpapagamot kay Nanay Flordeliza.

At sa muling pagdalaw ng staff ng programa ni Tulfo sa matanda, nasaksihan naman nito ang pag-aaruga ni Mary Jane sa ina at tila pinagsisihan naman na nito ang nagawang pag-iwan nila rito na babalikan din naman pala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo 7 nang matagpuan ng nagmalasakit na kapitbahay si Nanay Flordeliza. Naipakita nito ang kahabag-habag na kalagayan ng matanda na maging sila ng kanyang ina ay napaluha habang tinutulungan ito.

Magsilbing aral ito sa bawat isa sa atin na hanggang sa pagtanda, huwag sanang mawala ang respeto at pag-aaruga sa ating mga magulang na nagpalaki at nagmahal sa atin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel