Video ng performance ni Michael Pacquiao, kinabog ang views ng video ni Kim Chiu

Video ng performance ni Michael Pacquiao, kinabog ang views ng video ni Kim Chiu

- Nalagpasan na ng video ng performance ni Michael Pacquiao ang views sa video ng "Bawal Lumabas ni Kim Chiu

- Tuloy ang pagtaas ng views ng bagong awitin ng anak na Pambansang Kamao na nagpamalas ng husay sa pag-rap

- Matatandaang nasa pangalawang linggo pa lamang ang nakakaraan mula nang unang ibahagi ang video ni Michael sa isang radio station

- Nauna ng dalawang buwan ang "Bawal Lumabas" sa Wish 107.5, pero nilampasan na ng "Hate" ang views nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpakabog ang video ng performance ni Michael Pacquiao sa isang radio station. Nalagpasan na nito ang views ng "Bawal Lumabas" performance ni Kim Chiu. Ang awitin ni Michael na pinamagatang "Hate" ay kasalukuyang nasa 9.2M dalawang linggo matapos itong unang i-post noong August 5.

Video ng performance ni Michael Pacquiao, kinabog ang views ng video ni Kim Chiu

Kim Chiu ( Photo from flickr.com/photos/tillyholland/13923630106)
Source: UGC

Nauna ng dalawang buwan ang "Bawal Lumabas" sa Wish 107.5, pero nilampasan na ng "Hate" ang views nito. Marami ang namangha sa angking talento ng anak ni Sen. Manny Pacquiao. Kabilang ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa bumilib sa husay ni Michael.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa kanyang kantang "hate."

He's good. I was amazed with his voice and the clarity of the words. His calmness too in singing, not trying hard. Thumbs up for this. I think he deserved to be appreciated with his talent not because of his roots. Good job!
Walang kinalaman ang pagiging Pacquiao ni Michael sa craft na ginagawa niya like this one. The Guy is talented. He can rap, he can sing. Iwasan na lang ang inggit, walang maidudulot na kabutihan sa,yo yan Tsong. Pag nakulong ka sa ganyang state of mind, you wouldn't move forward. Magiging alipin ka lang nitong INGGIT mentality.
I am an American and this is better than any American rap today.. Mabuhay!

Mas lamang din sa likes ang video ni Michael. Matatandaang naging usap-usapan ang video ni Kim na umani ng sangkatutak na dislikes.

May mga netizens na umalma matapos umanong payagang mag-perform si Kim sa sikat na radio station gayung marami pa naman umanong ibang mga mang-aawit na magagaling.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Michael Pacquiao ang panganay na anak nina Senator Manny Pacquiao at ng asawa nitong si Jinkee Pacquiao. Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanyang karelasyon na isang Malaysian singer.

Isang madamdaming video naman ang binahagi ng singer matapos ang kanilang paghihiwalay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel