Anak na nakipagkita sa mga kaibigan, nagpositibo sa COVID-19 at nahawa ang pamilya

Anak na nakipagkita sa mga kaibigan, nagpositibo sa COVID-19 at nahawa ang pamilya

- Matapos na makipagkita sa mga kaibigan, nagpositbo ang isang binatilyo sa Miami, Florida

- Hindi raw ito pinayagan ng kanyang mga magulang subalit mapilit ito at tumuloy pa rin sa lakad

- Dahil 'party' raw pala ang pinuntahan, tinanggal daw nito ang mask dahil sa sila ay kumakain at umiinom

- Makalipas lamang ang ilang araw, nakaramdam na ito ng sintomas ng COVID-19 at nahawa rin ang kanyang pamilya

- Ang ama ang nasa pinakamalalang kalagayan na nakikipaglaban sa kanyang buhay sa ICU

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak na nakipagkita sa mga kaibigan, nagpositibo sa COVID-19 at nahawa ang pamilya

Pamilya ni Michelle Zymet na nahawa sa kanyang stepson (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Nagpositibo sa COVID-19 ang biantilyo sa Miami, Florida matapos na makipagkita sa mga kaibaigan at makipag-party sa mga ito.

Nalaman ng KAMI na matagal na pala itong pinagdidiskusyunan ng kanilang pamilya na hindi pumapayag sa paglabas-labas ng binatilyo dahil sa panganib na dala ng COVID-19.

Kwento ng stepmother nito na si Michelle Zymet sa Ctv News, nagpupumilit daw talagang lumabas ang binatilyo ngunit mahigpit nilang hindi pinapayagan ito.

High risk ang 42-anyos na ama ng binatilyo na si John Place dahil sa diabetic ito at overweight.

Kaya naman pinipigilan talaga nilang lumabas ang anak na maaring mahawa sa virus at madala sa kanilang tahanan.

Sa kasamaang palad, sumuway ito at pilit na nakipagkita sa kanyang mga kaibigan. At dahil sa party ang kanya palang pinuntahan, tinanggal ang kanyang face mask dahil sa sila ay kumakain at umiinom.

Tila masyado raw kampante ang kabataan sa kanilang lugar sa pag-aakalang wala silang sakit at maayos ang kanilang kalagayan.

“They don't necessarily listen. It could be peer pressure,”

“Maybe they think, `None of us are sick. We are fine.' They don't understand many of us are asymptomatic and are positive carriers of the virus,” pahayag pa ni Michelle.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Makalipas ang ilang araw, nakaramdam na ng sintomas ang binatilyo. Ngunit uminom lamang ito ang pangkaraniwang gamot para sa ubo at sipon.

Kahit pa nalaman nitong nagpositbo na ang isa sa mga dumalo sa party na kanyang pinuntahan, inisip pa rin nitong wala siyang virus.

Hanggang sa isa isa nang nahawa ang kanyang mga kapatid maging ang mga magulang.

Dahil dito, lahat sila ay na-ospital lalo na ang ama na nalagak pa sa intensive care unit.

Magsilbing aral daw ito lalo na sa mga kabataan na hindi dapat binabalewala ang bagsik ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang video mula sa Inside Edition:

Ang masaklap sa nangyari, maaring kinaya ng katawan ng binatilyo ang virus ngunit labis na naapektuhan ang kanilang pamilya dahil sa amang nakikipaglaban pa rin sa kanyang buhay.

Lalong-lalo na ang mga mayroong kasamang high risk sa kanilang tahanan tulad ng mga matatanda, bata, at may iniinda nang karamdaman.

Huwag nating hintayin pang dumating sa punto na pagsisihan natin ang mga susunod na mangyayari.

Samantala, sa huling update ni Michelle sa kanyang Facebook post, naka-recover na ang mister na John ngunit patuloy pa rin ang pagpapalakas nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel