Eksena ng tanod na sinita ang siomai vendor sa QC, umani ng iba't ibang reaksyon

Eksena ng tanod na sinita ang siomai vendor sa QC, umani ng iba't ibang reaksyon

- Viral ang mga larawan ng siomai vendor na sinita ng Barangay public safety officer o tanod sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City

- Ilang netizens ang nakakita sa eksena at nakunan ang pangyayari

- Tila sinisita raw ng tanod ang vendor na walang suot na mask ngunit laking gulat sa sumunod na nangyari kung saan nagawa pa raw itapon ng tanod ang mga paninda ng tinderong kinompronta

- Dahil dito, umani ng iba't ibang reaksyon ang mga larawan kaugnay sa inasal ng tanod gayundin ng tindero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

BPSO ng Barangay Sto. Domingo sa QC at siomai vendor (Photo from Facebook)

BPSO ng Barangay Sto. Domingo sa QC at siomai vendor (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang mga larawan ng barangay public security officer o tanod na sinisita ang isang siomai vendor sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City.

Nalaman ng KAMI na nabahala ang ilang netizens sa ipinakita ng larawan sa nagawa ng tanod at ng posibleng ikinagalit nito.

Sa unang larawan makikitang kinakausap ng tanod ang siomai vendor na walang suot na mask.

Bagaman at hindi naging malinaw ang dahilan ng paninita, posible raw na ang kawalan ng mask ng tindero ang napuna ng tanod.

Subalit, ang sumunod nang nakunan ng larawan ng netizen ay natapon na ang mga paninda ng siomai vendor na kagagawan di umano ng tanod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, samu't sari ang naging reaksyo ng mga netizens ukol sa nangyari.

Marami sa kanila ang nagsasabing mali ang pangungumpronta ng tanod sa somai vendor lalo na at nagawa pa nitong itapon ang mga paninda.

Hindi na raw sana humantong pa rito lalo na at hirap maghanapbuhay ang bawat isa sa ngayon dala ng krisis ng COVID-19.

Kung napatunayang may violation nga ang tindero, binigyan na lamang daw sana ito ng tiket upang makapagmulta sa kanyang nagawa.

Samantala, ilang netizens naman ang nagsabi na marahil ang di pagsusuot ng mask ang ikinagalit ng tanod at patuloy pa ring nagtinda ang lalaki.

Labis na delikado nga naman ang hindi nito pagsusuot ng mask lalo pa at pagkain ang kanyang inilalako.

Maging sa tindero ay delikado rin ang hindi pagsusuot ng face mask lalo na at isa ito sa sinasabing mainam na proteksyon sa COVID-19.

Narito ang ilang larawan mula sa viral post ng Isko Moreno Supporters.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa masasabing mainam na proteksyon sa COVID-19 ang pagsusuot ng face mask na magtatakip sa ilong at bibig ng isang tao.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang paglalagay ng kamay na diretso sa mga nasabing bahagi ng katawan na maaring mapasukan ng virus.

Kaya naman ang ilan sa ating mamamayang wala raw kakayahang makabili ng face mask ay gumawa na lamang ng magagamit na pantakip sa bibig at ilong.

Ang iba naman, ginastusan nang husto ang pagkakaron ng face mask na magsisilbing panangga nila sa nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel