Mga anak na namatayan ng ama, hindi pa makasama ang inang OFW sa Saudi

Mga anak na namatayan ng ama, hindi pa makasama ang inang OFW sa Saudi

- Doble-doble ang sakit na nararamdaman ng tatlong magkakapatid sa Masbate

- Bukod kasi sa namatayan sila ng ama, hindi pa nila kapiling ang kanilag ina na isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia

- Hindi na rin nila nagawang makita ang ama sa huling hantungan dahil nasa Maynila ito habang sila ay nasa probinsya

- At dahil wala nang katuwang ang ina at natagalan na ito sa Saudi dahil sa lockdown, nagpasya itong manatili pa rin doon upang magtrabaho sa loob ng dalawang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mga anak na namatayan ng ama, hindi pa makasama ang inang OFW sa Saudi

Sina Stepahine, Shella Mae at Sophia Mesa (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Patong-patong na paghihinagpis ang nararanasan ngayon ng magkakapatid na sina Stephanie, Shella Mae at Sophia Mesa na namatayan ng ama kamakailan.

Nalaman ng KAMI na nasa Masbate ang magkakapatid habang nagtatrabaho bilang truck helper ang amang si Stephen Mesa.

Noong Mayo 2, inatake ito sa puso bagay na labis na ikinalungkot ng magkakapatid.

Subalit bukod sa sakit ng pagkawala ng kanilang ama, hindi pa nila kasama ang kanilang ina na isang overseas Filipino worker sa Riyadh, Saudi Arabia.

Mahirap para sa inang si Emalyn Dequino na sa panahong nangungulila ang kanyang mga anak sa pagkamatay ng ama ay hindi niya mayakap at mahagkan ang mga ito.

Kwento ni Emalyn, araw-araw silang nakakapag-video call ng asawa at mga anak.

Masayahin at kwela ang mister kaya naman naiibsan ang kalungkutan nila lalo na at sila ay magkakahiwalay dahil sa hanapbuhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Noong Mayo 1, tulad ng kanilang nakagawian, nakapag-video call pa silang mag-anak at nakapag-screenshot pa ng magkakasama.

Hindi nila alam na ito pala ang kahuli-hulihang pagkakataon na magkakausap sila.

Kinabukasan, Mayo 2, nagulat na lamang si Emalyn nang mabalitaan pumanaw na ang kanyang asawa dahil sa atake sa puso.

Napakasakit ng pangyayaring ito sa kanilang pamilya dahil sa biglaang pagkamatay ng napakabuti nilang haligi ng tahanan.

Nitong Marso, uuwi na sana sa bansa si Emalyn subalit inabot na siya ng lockdown dahil sa COVID-19.

Sa halos kalahating taon na paghihintay na makauwi, hindi pa rin siya nabigyan ng exit visa ng kanyang employer.

At dahil sa nawalan na rin siya ng katuwang sa pagtataguyod ng kanyang mga anak, napagdesisyunan ni Emalyn na ipagpatuloy na lamang ang pagtatrabaho sa Saudi.

Malungkot man ang mga anak ngunit naunawaan nila ito kahit nasasabik na rin sana silang makasama ang ina lalo pa at wala na silang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang video mula sa I JUANder at Tadhana GMA:

Nakalulungkot isipin na sa panahon ng pandemya, ilan pa sa ating mga kababayan ay nakararanas ng doble-dobleng pagsubok na pilit nilang kinakaya.

Lalo na ang mga kababayan nating OFW na higit na nahihirapan at hindi agad nakatatanggap ng tulong mula sa kanilang employer kaya humihingi rin ng saklolo mula sa ating bansa.

Ang ilan, sinisikap na maitawid ang mga pangangailangan sa araw-araw at umaasang matatapos na ang krisis na dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel