Health worker na tinamaan ng COVID-19, nakunan ng video ang sarili bago pumanaw

Health worker na tinamaan ng COVID-19, nakunan ng video ang sarili bago pumanaw

- Isang health worker sa Maynila ang nagawa pang kunan ng video ang sarili bago pumanaw dahil sa COVID-19

- Tinatayang nasa isang linggo lamang ang itinagal ng kanyang pakikipaglaban sa virus

- Nagawa pa rin nitong magpaalam sa kanyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng isang video

- Aminado ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang misis na labis silang nasaktan at nabigla sa pagyao ng mister lalo na at nailipat pa siya sa ibang ospital noong mismong araw kung kailan siya pumanaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Health worker na tinamaan ng COVID-19, nakunan ng video ang sarili bago pumanaw

Health worker in PPE (Photo from rawpixel)
Source: UGC

Nagawa pang i-video ng health worker na si Judyn Bonn Suerte ang sarili ilang oras bago siya tuluyan bawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na isang elevator operator si "Bonn" ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center sa loob ng nasa 20 na taon.

Kwento ng kanyang misis na si Maritess Suerte, Hulyo 20 nang makaramdam ng sintomas ang kanyang mister na inakala lamang nilang urinary tract infection (UTI).

Agad siyang komunsulta sa doktor at agad nakitang mayroon nga siyang UTI at mayroon na rin siyang pneumonia.

Nagsagawa na rin ng COVID-19 test sa kanya at lumabas ngang positibo si Bonn sa virus.

Hulyo 23 nang ma-admit siya sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Nakukumusta naman siya ng kanyang misis at kapatid na pareho ring nagtatrabaho sa naturang ospital.

Subalit noong Hulyo 31, hindi na raw maganda ang lagay ng paghinga ni Bonn. Bagaman at nasa ospital, pinalipat pa rin ito sa ibang pagamutan at ito ay sa Jose N. Rodriguez Medical Hospital o mas kilala sa tawag na Tala Hospital.

Noong araw ding iyon, nakumbinsi na ni Maritess ang kanyang mister na magpalagay ng tubo upang maibsan ang hirap nito sa paghinga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napapayag naman niya ito. Katunayan, bago mismo ma-intubate si Bonn, nagawa pa niyang tawagan ang misis.

Hindi akalain ni Maritess na iyon na pala ang huling beses na makakausap ang asawa. Hindi nagtagal mula nang malagyan siya ng tubo, binawian na rin ng buhay si Bonn.

Agosto 1 agad na na-cremate ang mga labi ng health worker. Hapon ng araw na ito, saka pa lang nakita ng kanyang misis na may nai-record pa itong video.

Ang masakit pa rito, video ito ng pamamaalam at paghahabilin sa pamilya ni Bonn gayundin sa mga kasamahan niya sa Alliance of Health Workers kung saan isa siya sa aktibong miyembro.

Gumawa ng ingay ang pagkamatay ni Bonn dahil sa di umano'y kapabayaan daw ng mismong ospital na kanyang pinapasukan.

Bilang kinukulang daw ang naturang pagamutan sa mga personal protective equipment, isa si Bonn sa hindi nakapagsusuot nito gayung elevator operator siya at maraming nakakasalamuhang iba't ibang tao.

Ito raw ang posibleng dahilan kung bakit siya ay tinamaan ng virus.

Gayunpaman, ang tanging hiling ni Maritess ay di na muling maulit pa sa ibang health workers ang nangyari kay Bonn. Hiling din nilang maibigay ang sapat na benepisyo sa mga medical frontliners dahil unti-unti na silang napapagod at sa kasamaang palad ay tinatamaan na rin ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa GMA Public Affairs YouTube:

Nakalulungkot isipin na tila dumarami ang napapabalitang mga medical frontliners na nakararanas ng diskriminasyon.

Ang ilan, mismong ospital pa kung saan sila nagsisilbi at nagbubuwis ng kanilang buhay maipanalo lamang ang laban kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel