Reaction ni Agot Isidro sa viral pictures ni Atty. Gadon, viral

Reaction ni Agot Isidro sa viral pictures ni Atty. Gadon, viral

- Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa netizens at mga personalidad ang mga kumalat na litrato ni Atty. Larry Gadon kamakailan

- Makikita sa nasabing mga litrato na nakadikit ang kanyang face mask sa kanyang suot na face shield

- Mayroon ding kumakalat na litrato sa Twitter na kuha umano habang nasa pila ito sa isang grocery store

- Kabilang sina Agot Isidro at Kim Atienza sa nagbahagi ng kanilang opinyon sa nasabing mga litrato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending sa social media ang Filipino lawyer na si Atty. Larry Gadon. Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga litrato niya na nakasuot ng face shield na may nakadikit na face mask.

Taliwas sa inirekomendang tamang paggamit ng face mask, makikita sa mga litrato na sa halip na sa mukha at ilong nakalapat, sa face shield nakadikit ang kanyang face mask.

Atty. Larry Gadon, viral sa social media dahil sa paraan ng pagsuot niya ng face mask
Photo by Amphol Thongmueangluang/SOPA Images/LightRocket via Getty
Source: Getty Images

Kuha ang mga litrato habang namamahagi ng snacks si Gadon sa Caloocan City Medical Center.

Dahil sa kanyang kakaibang paraan ng paggamit ng face mask, umani ng samu't-saring reaksiyon si Atty. Gadon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging sa Twitter ay mayroon ding lumabas na umano'y litrato niya habang nasa pila sa grocery. Kagaya sa mga kumakalat na pictures, nakadikit din ang kanyang face mask sa kanyang face shield.

Ibinahagi ng aktres na si Agot Isidro ang mga pictures ni Atty. Gadon. Pinuna ng aktres ang paglusot umano ni Atty. Gadon kahit mali.

Maging si Kim Atienza ay napa-komento dito. Aniya, anti-masker pala si Atty. Gadon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lorenzo “Larry” Gacilo Gadon ay ang dating legal counsel ni former President Gloria Arroyo. Tumakbo siya bilang senador sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) noong 2016 ngunit hindi pinalad na manalo. Inihayag niyang naniniwala siyang nadaya umano siya noong 2019 elections.

Noong 2017, isa siya sa nagsampa ng reklamo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Matatandaang lumabas din ang balitang balak ni Gadon na magsampa ng impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel