Forbes Park Mansion ni Manny Pacquiao, napapabalitang ibinibenta

Forbes Park Mansion ni Manny Pacquiao, napapabalitang ibinibenta

- Usap-usapan ngayon ang isa sa mga mansyon ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacqiao

- Ito ay matapos lumabas ang kaparehos na litrato ng nasabing mansiyon sa isang website ng mga binibentang bahay

- Umabot sa halagang ₱1.5 billion ang listed price ng nasabing mansyon na matatagpuan sa North Forbes Park

- Matatandaang sinabi ng senador noong 2014 na bukas siya sa posibilidad na ibenta ang kanilang mansyon sa Forbes

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napapabalitang ibinibenta ang mansyon ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacqiao. Ang tinutukoy na mansyon ay ang nakatirik sa North Forbes Park.

Makikita sa website ng Presello ang litrato ng isang mansyon sa Forbes Park na kahawig sa sikat na property ng mag-asawa.

Ayon sa nasabing website, nagkakahalaga ng ₱1.5 billion ang mansyon na mayroong 5 bedrooms, 7 bathrooms at 4 na car parks. May floor area ito na 1525 square meter at 2000 square meter naman ang lawak ng nasabing lote.

Forbes Park Mansion ni Manny Pacquiao, napapabalitang ibinibenta

Photo by Jeoffrey Maitem/Getty Images
Source: Getty Images

Mayroong ibang hindi kumbinsido na ang mansyon nakalagay sa nasabing website ay ang pagmamay-ari ni Sen. Pacquiao. Gayunpaman, marami sa mga litratong naibahagi sa nasabing website ay may pagkakahawig sa mga litratong dati nang naibahagi ni Jinkee sa kanyang Instagram account.

Makikita din sa isang bahagi ng bahay ang litrato ng Pambansang Kamao.

Forbes Park Mansion ni Manny Pacquiao, napapabalitang ibinibenta

Photo source: www.presello.com
Source: UGC

Matatandaang noong 2014 ay naging kontrobersiyal ang pahayag ni Sen. Manny sa isang panayam ng Agence France-Presse (AFP) kung saan binanggit niyang nais niyang ibenta ang mansyon niya sa Forbes kung mayroong nais bumili nito.

Inirereklamo umano ng kanyang mga kapitbahay doon ang pagtanggap niya ng mga bisitang kadalasan ay humihingi lamang ng tulong sa senador kaya hindi gaanong presentable ang kasuotan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“If there’s somebody who is willing to buy, I’m going to sell it,” aniya sa nasabing panayam. Nais niya umanong bumili ng bahay na kung saan makakatanggap siya ng mas maraming bisita.

Humingi siya ng dispensa sa kanyang mga kapitbahay.

“I may be as rich as some of them here, but my lifestyle remains the same and so is my heart. I am just a simple man. I will never change that," sabi pa ng Pambansang Kamao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao. Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang ngunit dahil sa kanyang husay sa larangan ng boksing ay nakilala siya sa buong mundo at ngayon ay mayroon nang maalwan na buhay.

Ikinasal siya kay Jinkee Pacquiao at sila ay nabiyayaan ng limang anak. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Naging usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang panganay na anak ni Manny na si Michael Pacquiao matapos mag-trending ang kanyang rap performance sa isang radio station.

Maging ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay humanga sa talento ng anak ni Sen. Manny.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel