Guro na naghahanda para sa pasukan, nahawaan at nakahawa ng COVID-19

Guro na naghahanda para sa pasukan, nahawaan at nakahawa ng COVID-19

- Nagkaroon ng COVID-19 ang isang guro sa Baguio City habang siya ay naghahanda para sa nalalapit sanang pasukan

- Ang masaklap pa, nahawaan na rin nito ang mga magulang, kapatid at kaanak

- Ayon sa report, sa pamilya nito ay ang dalawa na lamang na pamangkin ng guro ang hindi nahawa sa virus

- Isinailalim na sa hard lockdown ang barangay kung saan nakatira ang mag-anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging abala ang mga guro nitong mga nakaraang araw para sa paghahanda para sana sa nalalapit na pasukan sa kabila ng banta ng novel coronavirus.

Sa kasamaang-palad, ilan sa kanila ang nahawaan ng virus at ang iba nga ay nasawi na dahil dito.

Guro na naghahanda para sa pasukan, nahawaan at nakahawa ng COVID-19

DepEd Secretary Leonor Briones
Source: Facebook

Tulad na lamang ng isang guro sa Baguio City na nagkaroon ng COVID-19 habang siya ay naghahanda para sa pasukan, ayon sa report ng ABS-CBN News.

Ang masaklap pa, maging ang ilang miyembro ng pamilya nito ay nahawaan na rin.

Sa panayam sa kapatid nito na isa ring guro at positibo na rin sa virus, nasa ospital na ang kapatid at mga magulang nila.

Labis na takot na rin ang nararamdaman nito dahil sa mapait na pangyayaring ito sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Ako ay nalungkot, natakot at halos umiyak. Sa kadahilanang ang aking mga magulang at kapatid ay nasa hospital na dahil sa parehong sakit," anito.

Napag-alaman din ng KAMI na tanging ang dalawa na lamang nilang pamangkin ang hindi nahawaan ng COVID-19 sa kanilang pamilya.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga kapwa guro, mga kaibigan at mga kakilalang kanilang nakasalamuha.

"His older sister contracted the virus while working— preparing the modules with the other teachers in preparation for the resumption of classes. Then one after the other, the other members of the family tested positive," ayon sa pahayag ng Public Information Office ng Baguio City.

Isinailalim na sa hard lockdown ang barangay kung saan nakatira ang mag-anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod lamang ito ng anunsyo ng Department of Education na sa October 5, 2020 na ang pagbubukas ng klase ngayong taon sa halip na sa August 24.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa publiko.

Samantala, isa pang guro ang nasawi dahil sa COVID-19 matapos dumalo sa isang kasalan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel