Vlogger na si Emman Nimedez, kasalukuyang nasa ICU at kritikal

Vlogger na si Emman Nimedez, kasalukuyang nasa ICU at kritikal

- Dinala sa intensive care unit ang vlogger na si Emman Nimedez dahil sa kidney failure at blood complication ayon sa post sa official Facebook page nito

- Sabi sa post, kritikal at unstable ang lagay ni Nimedez at nawalan ng malay

- Nananawagan naman ng tulong ang pamilya at mga kaibigan nito sa pamamagitan ng social media

- Matatandaang kamakailan lang isiniwalat ni Nimedez na mayroon itong acute myeloid leukemia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasalukuyang nasa intensive care unit ang vlogger na si Emman Nimedez dahil sa kidney failure at blood complication ayon sa post sa official Facebook page nito.

Sabi sa post, kritikal at unstable ang lagay ni Nimedez at nawalan ng malay.

Vlogger na si Emman Nimedez, kritikal ang lagay dahil sa leukemia

Photo from Emman Nimedez Facebook page
Source: Facebook

"Ngayon po ay critical condition nya at unstable," ayon sa FB post.

Pero bago raw ito dalhin sa ICU ay nakakausap pa si Nimedez at sumasagot pa sa pamamagitan ng pagtango.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa page admin nito na si Peachy, kita raw ang pagnanais ni Nimedez na lumaban sa malubhang sakit.

"Kitang kita ko na gusto nya po lumaban. Kasi everytime na sinasabe ko "lalaban tayo ha" tatango sya," anito.

"Hinahawakan nya yung kamay ko ng mahigpit at alam ko na lalaban tayo na magkasama sa pagsubok na to," dagdag pa ni Peachy.

Nananawagan naman ng tulong ang pamilya at mga kaibigan nito sa pamamagitan ng social media.

"Kailangan po namin ng suporta at tulong nyo ngayon malaki man o maliit ang halaga. Pera man o simpleng pag share lang ay malaking tulong na po yun para sa kay emman."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Emman Nimedez ay isang Actor, YouTuber, at filmmaker na nakilala sa kanyang mga short films, parodies, at covers.

Matatandaang kamakailan lang isiniwalat ni Nimedez na mayroon itong acute myeloid leukemia.

"Noong kinuhaan ng samples 'yong bone marrow ko, lumabas sa results may acute myeloid leukemia. Mayroon akong cancer," anito sa isang YouTube video.

Ganunpaman, nanatili itong positibo sa hamon at pagsubok dulot ng malubhang sakit.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel