Lola, patuloy na nagha-hanapbuhay para masuportahan ang asawang PWD

Lola, patuloy na nagha-hanapbuhay para masuportahan ang asawang PWD

- Sa kabila ng kanyang edad, patuloy pa ring naghahanapbuhay ang 72-anyos mula Calasiao, Pangasinan

- Anim na taong na-stroke ang asawa kaya mag-isa na lamang siyang nagtatrabaho bilang isang bolo holster maker

- Tumutulong naman ang kanyang mga anak sa kanilang pangkabuhayan ngunit siya pa rin ang nakakaalam ng tamang pananahi nito

- Kahit nakararamdam ng hirap, naniniwala siyang malalampasan pa rin niya ang pagsubok na ito lalo na sa panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lola, patuloy na nagha-hanapbuhay para sa asawang PWD

Bolo holster (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Kahanga-hanga ang kasipagan ng bolo holster maker ng Calasiao, Pangasinan na si Nanay Laura dela Cruz.

Nalaman ng KAMI na naninirahan si Nanay Laura at kanyang pamilya sa Barangay Gabon mula pa noong nasira ng pagputok ng Mt. Pinatubo ang kanilang bahay.

Hindi lamang ang bahay nila ang nawala kundi iba pang ari-arian at pangkabuhayan.

Hanggang sa may nagmalasakit sa kanilang mag-asawa na magbigay ng maliit na puhunan sa paggawa ng sisidlan ng bolo.

Doon nagsimula ang panibago nilang hanapbuhay at nakilala na rin sila bilang bolo holster maker ng Calasiao.

Subalit taong 2014 nang ma-stroke ang kanyang mister. Dahil dito, doble kayod pa rin si Nanay Laura kahit wala na siyang katuwang sa paggawa ng bolo holster.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito rin ang dahilan kung bakit sa kabila ng edad niyang 72 ay patuloy pa rin siyang nagtatrabaho lalo na ngayong dumaranas ng matinding krisis ang mundo dala ng COVID-19.

Tinutulungan din siya ng kanyang mga anak ngunit siya pa rin ang nakakaalam ng tamang paggawa ng produktong kanyang tinatahi.

Sa kabila ng hirap na dinaranas, positibo pa rin si Nanay Laura na malalampasan nila ang mga pagsubok na ito dala ng matinding pananampalataya niya sa Poong May Kapal.

Wala na siyang ibang hiling kundi ang kaligtasan ng kanyang pamilya ngayong panahon ng pandemya at manatili pa rin silang malakas para sa isa't isa.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Jasmine Gabriel-Galban ng GMA News kay Nanay Laura:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan sa ating mga kababayang senior citizens ay napipilitan pa ring maghanapbuhay dala ng kahirapan o dahil wala na silang ibang maasahan.

Ang iba sa kanila, pilit na dumidiskarte ng mapapagkakitaan lalo na ngayong ramdam ng bawat isa sa atin ang hagupit ng pandemya dahil sa COVID-19.

Gayunpaman, hangad ng marami na sila'y matulungan na lamang dahil sa kanilang mga edad, nararapat na sila'y nagpapahinga na lamang.

Nararapat lamang din na sila ay manatili sa bahay lalo na at sila ang mahirap na matamaan ng patuloy pa ring lumalaganap na virus sa ating bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel