Sekyu na kiddie bike ang gamit, nabiyayaan ng bagong bisikleta

Sekyu na kiddie bike ang gamit, nabiyayaan ng bagong bisikleta

- Nabigyan ng bagong bisikleta ang isang security guard na pambatang bike ang gamit sa pagpasok sa trabaho

- Napansin umano siya ng mga police na nakabantay sa checkpoint nang siya ay mapadaan

- Bagaman at apektado rin ng krisis, nakagawa ng mga paraan ang mga pulis upang mabigyan ng maayos na bisikleta ang security guard

- Laking pasasalamat naman ng sekyu dahil maayos na siyang makakabiyahe sa kanyang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sekyu na kiddie bike ang gamit, nabiyayaan ng bagong bisikleta

Bike (Photo from Flickr)
Source: UGC

Umani ng papuri ang kabutihang ginawa ng mga pulis sa quarantine checkpoint sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Nalaman ng KAMI na napadaan ang security guard na sakay sa kanyang 'kiddie bike' sa checkpoint kung saan nagbabantay si PSSg Melvin Rogero at kanyang mga kasama.

Ayon pa sa post Santa Maria PS, tila nahabag ang mga pulis dahil matiyaga umanong pini-pedal ng sekyu na nakilalang si Victor De Guzman noong Agosto 6.

Sa kagustuhang mas mapabilis ang pagdating niya sa trabaho, ginagamit ni SG Victor ang maliit na bisikleta.

Hindi man niya aminin ngunit hirap itong imaneho ang maliit na bisikleta ngunit inisip na lang marahil nito na mas mabilis pa rin ang kanyang biyahe gamit ito kumpara sa kung siya ay maglalakad lamang.

Dahil sa nakitang kalagayan ng sekyu, naisip ni PSSg Rogero na tulungan ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bagaman at apektado rin ng krisis, nagawan ng paraan ng pulis na mabigyan ng bagong bisikleta ang security guard upang mas mapabilis at iwas disgrasya ang kanyang biyahe sa pagpasok sa trabaho.

Sa tulong ng mga kapwa niya pulis, na-surpresa nina PSSg Rogero si Victor nang muli itong dumaan sa checkpoint.

"PSSg Melvin Rogero admired the dedication of S/G Victor De Guzman for his work, regardless of difficulty from his financial needs, PSSg Melvin Rogero with the help of his friends was able to provide a brand new bike for S/G De Guzman," ang bahagi ng viral post.

Agosto 11 nang maibigay ang bike na labis na pinagpapasalamat ng sekyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakataba ng puso na sa panahon ng pandemya, hindi lamang pagbabantay ng checkpoint ang nagagawa ng karamihan sa ating mga kapulisan.

Dala ng busilak nilang kalooban, nagagawa nilang tumulong din sa mga higit na nangangailangan lalo na karamihan sa ating mga kababayan ay nakararanas ng matinding dagok sa buhay dala ng COVID-19.

Makailang beses nang nag-viral ang mga kwento ng kapulisan na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa na talaga namang nararapat lamang na pamarisan.

Tunay na hindi lamang sa kapayapaan at sa seguridad natin sila maasahan, kundi pati na rin sa pagbibigay ng kaunting kaginhawahan sa buhay ng mga kababayan nating naghihikahos na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel