OFW na pinag-aral ang BF, iniwan sa ere nang makahanap ng iba

OFW na pinag-aral ang BF, iniwan sa ere nang makahanap ng iba

- Naiyak na lamang ang OFW na si Cathyrine Fuster nang makausap sa programa ni Raffy Tulfo ang dating kinakasama

- Inireklamo kasi ni Fuster ang lalaki matapos siyang iwanan na lang basta matapos niya itong pag-aralin nang makahanap daw ito ng ibang babae

- Bukod dito, bina-blackmail din umano siya nito kapag hindi niya ito binigyan ng pera

- Ganunpaman, hindi napigilan ni Tulfo na sermunan ang dalaga matapos malaman kung ano ang ginagamit daw ng lalaki na pang-blackmail dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matindi ang naging emosyon ng overseas Filipino worker (OFW) na si Cathyrine Fuster at naiyak na lamang nang makausap ang dating kinakasama na nasa Pilipinas.

OFW na pinag-aral ang BF, iniwan sa ere nang makahanap ng iba

Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Ayon sa reklamo ni Fuster, bigla na lamang siyang iniwan sa ere ng ex na si Jayson Morilla matapos niya itong pag-aralin nang makahanap ng ibang babae na ngayon ay kinakasama na raw nito.

Bukod dito, bina-blackmail din umano siya nito kapag hindi niya ito sinustentuhan o binigyan ng pera at pinagbibintangan pa umanong nabuntis siya ng kanyang amo, kaya naman lumapit na ang OFW sa programa ni Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nais na lamang daw nito na mabawi ang perang ipinadala kay Morilla na umabot na raw sa P200,000.

Maliban dito, nais na rin nitong bawiin ang ilang gamit at cellphone mula sa dating kinakasama.

Pero ayon kay Morilla, wala siyang ganoong kalaking halaga. Itinanggi rin nito ang mga paratang ng dating nobya.

Giit naman ni Fuster, buwan-buwan siyang nagpapadala sa lalaki na umaabot sa P15,000.

Sinubukan namang aregluhin ni idol Raffy ang dalawa sa pamamagitan ng kasunduang babayaran ni Morilla ang halagang hinihingi ni Fuster.

Ganunpaman, napikon at hindi napigilan ni Tulfo na sermunan si Fuster nang malaman nito kung ano ang ginagamit umano ng lalaki na pang-blackmail dito.

Ayon kay Fuster, hindi raw nito alam na mayroon silang maselang video ng ex na itinanggi naman ng lalaki.

Muling nagpaalala si idol Raffy sa mga kababaihan tungkol dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW din ang lumapit kay Tulfo para ireklamo ang misis na nabuntis na pala ng iba!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel