Masipag na OFW, mabilis na nakapagpupundar ng mga ari-arian

Masipag na OFW, mabilis na nakapagpupundar ng mga ari-arian

- Binahagi ng isang OFW ang kanyang pagsisikap sa pagkamit ng kanyang mga pangarap para na rin sa kanyang mga mahal sa buhay

- Masasabing sinuwerte siya sa kanyang amo kaya naman tuloy-tuloy ang kanyang pag-iipon para sa kanyang mga ari-arian

- Sa loob ng halos tatlong taon sa abroad, nakabili na siya ng lote at mga gamit sa bahay

- Kasalukuyan pa raw niyang pinag-iipunan ang pagpapagawa ng simple ngunit matatawag niyang sariling bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masipag na OFW, mabilis na nakapagpupundar ng mga ari-arian

Ang lupaing nabili ni Theresa (source: supplied)
Source: UGC

Isa na namang overseas Filipino worker ang nagbahagi ng kanyang nakaka-inspire na kwento ng buhay.

Nalaman ng KAMI na pagod na sa pangungupahan ang OFW na si Theresa Rejas kaya ang pinaka-pangarap niya ay magkaroon ng sariling bahay.

Ito rin daw ang nag-udyok sa kanya para mag-abroad dahil gusto niyang maranasan ng kanyang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas ang kaginhawahan.

Laking pasalamat niya na isa siya sa mga OFW na may mabuting amo kaya naman tuloy-tuloy lang ang kanyang pag-iipon upang makamit lahat ang dati lamang niyang pinapangarap sa buhay.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Theresa na binahagi mismo niya sa KAMI:

"Ako nga Pala si Theresa Rejas na nangangarap magkaroon ng sariling bahay para sa pamilya.Nangungupahan lang kami, ilang beses na din kami palipat-lipat ng tirahan ika nga nila no permanent address.
Mahirap po talagang walang sariling bahay. Kaya Sabi ko sa sarili ko balang araw mgkakaroon din kami kahit maliit lng at least my matatawag na kaming amin at di na kami ng rerenta.
Kaya nakapag-decide ako na mag-apply abroad bilang domestic helper. Kahit mahirap malayo sa pamilya asawa't mga anak, kakayanin ko para mabigyan lang sila ng magandang buhay at makabayad narin sa mga utang namin.
Sa awa ng Diyos napunta ako sa mabait na employer. Kaya sobrang pasasalamat ko sa Diyos kasi di niya ako pinabayaan.
Masipag na OFW, mabilis na nakapagpupundar ng mga ari-arian

Si Theresa at ang kanyang pamilya (source: supplied)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Unti-unti ko nang natupad ang aking mga pangarap. Nakabili na ako ng maliit na lote tapos yun ipon muna para pagawa ng maliit na bahay.
Sa araw-araw sa trabaho, di talaga maiwasan na ma-homesick. Pangungulila sa pamilya tanging dasal lang ang aking sandata na kakayanin ko to para sa kanila.
Hanggang sa ito na nga unti-unti ko nang nakikita mga pinag hirapan ko. Sarap sa pakiramdam na makikita mo pamilya mo masaya dahil naibibigay mo mga pangangailangan nila.
Nakakawala ng pagod ang mga ngiti nila. Tuwing inaatake ako ng homesick, mga larawan ng pundar ko lagi ko tinitingnan at pasasalamat sa Taas dahil di niya ako pinabayaan.
2 years and 6months na ako dito sa amo ko. Ito lumalaban pa rin dahil may isa pa akong bagay na hinihiling sa Diyos at sana matupad din.
Kaya sa lahat ng mga OFW na katulad ko, laban lang po tayo. Para sa pangarap walang imposible basta samahan lang ng dasal, sipag, at tiyaga. Oo mahirap talaga buhay dito kaya tiis-tiis lang. Makakayanan natin ito masasaan ba't giginhawa rin tayo at pag naho-homesick ok lng umiyak tapos samahan din ng dasal."
Masipag na OFW, mabilis na nakapagpupundar ng mga ari-arian

Ilan sa naipundar ni Theresa (source: supplied)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na dumarami na ang mga kababayan nating OFW na umaayos ang pamumuhay dala ng pagsisikap.

Ang ilan, nakapagpatayo na ng sariling bahay di lamang para sa sarili kundi para na rin sa kanyang mga magulang.

Ang iba naman, hindi lamang bahay ang naipundar kundi lupain at negosyo na siyang pagkakakitaan niya pagbalik niya sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel