Viral post ng anak ng guro ukol sa trabaho ng ina, nakalikom ng tulong
- Nag-viral ang post ng isang isang anak patungkol sa mga gawain ng kanyang ina bilang isang guro ng pampublikong paaralan
- Ito ay matapos na makabasa umano siya ng mga komento na dapat daw bawasan ang sahod ng mga guro gayung 'work from home' ang mga ito
- Kaya naman pinakita niya ang larawan ng ginagawa ng ina lalo na at ibang stratehiya sa pagtuturo ang gagawin nila sa pagbubukas ng klase sa Oktubre
- Dahil sa viral post, nakalikom ng tulong ang guro ng mga materyales na magagamit nito sa pamamahagi ng learning modules sa kanyang mga estudyante ngayong pasukan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Lakas loob na nagpost ang anak ng isang guro na si Reyven Gaveria patungkol sa mga ginagawa ng kanyang ina sa bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Nalaman ng KAMI na nai-post ito ni Reyven matapos na makabasa umano siya ng komento na nagsasabing nararapat na bawasan ang sahod ng mga guro gayung work from home naman ang mga ito.
Bilang saksi sa mga hirap at sakripisyo ng kanyang ina na isang teacher ng pampublikong paaralan, halos inisa-isa niya ang trabahong ginagampanan nito.
Dahil sa 'blended learning' na gagamiting istratehiya sa pagtuturo ngayong taon, nilahad ni Reyven ang mga napapansin niyang paghahanda ng ina.
Nasabi niyang sariling gastos lahat ang mga ginagamit nito para sa papel at ink ng printed modules na matapos nilang gawin ay sila pa rin daw ang nagpi-print.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Bukod pa rito, kabi-kabilang online seminars o 'webinar' ang dinadaluhan ng kanyang ina dahil obligado silang sumali sa mga ito.
Subalit sariling diskarte raw muna ng kanyang ina ang internet connection na kailangan niya upang maging 'present' sa mga webinars.
At kahi inaabot na ng hatinggabi ang paggawa ng paperworks ng ina, wala naman daw umanong overtime pay itong natatanggap.
Ilan lamang ito sa mga inilahad ni Reyven bilang patunay na hindi nararapat na kaltasan pa ang naghihingalong sahod ng mga guro na tulad ng kanyang ina.
Katunayan, nangangailangan pa raw ang mga ito ng suporta sa mga materyales na kanilang kailangan tulad ng bond paper para sa sangkaterbang modules na kailangan pa nitong i-print.
Dahil sa nag-viral ang post, dinagsa ng tulong ang ina ni Reyven kaya naman laking pasasalamat niya sa mga nagpaabot ng suporta sa kanyang ina.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ganito ang preparasyon na ginagawa ng bawat guro sa pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Malaking bagay na na-urong sa Oktubre 5 ang klase mula sa orihinal na pagbubukas ng klase sa Agosto 24.
Magkakaroon pa ng sapat na oras ang mga guro upang makapaghanda. Gayundin ang Department of Education na nangakong aayusin ang ilang naging aberya sa mga lessons ng DepEd TV na kinakitaan ng ilang pagkakamali sa grammar. Ito ay napuna matapos na magsagawa sila ng test broadcast kamakailan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh